^

PSN Opinyon

Balangiga bells ay atin

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

PASKO na madalas nating narinig sa madaling araw ang kalembang ng kampana sa mga simbahan. Naalala ko tuloy ang Balangiga Bells na kinuha ng mga Amerikano sa Eastern Samar nung panahon ng giyera. Nabanggit na ito ni Pres. Digong nung nakaraang State of the Nation Address (SONA) niya. Atin daw itong babawiin sa US.

Ang buong akala nating lahat na babanggitin ito ni Duterte kay US Pres. Donald Trump ng magkita ang dalawa nung nakaraang ASEAN Leader Summit meeting pero walang lumabas na balita kung ito ay napag-usapan ng dalawang lider. Pagkakataon na sana’y maipaalam kay Trump ang tungkol sa kampana na kinuha ng kanilang mga ninuno. Kunsabagay may tamang oras at pagkakataon na muling magkikita sina Duterte at Trump at dito na mapag-uusapan ang pagbawi natin sa Balangiga bells.

Ngayon sinusubukan na hingin ni Duterte ang Ba-langiga bells. Napakahalaga ng kampanang ito para sa ating mga Pilipino dahil minana pa natin ito sa ating mga ninuno. Hindi mababayaran ng salapi dahil ito ang tanging alaala ng dumanak ang dugo ng ating mga ninunong nakipaglaban sa mga Amerikano kahit napalitan na ito ng ibang kampana hindi pa rin maiaalis sa isipan natin ang orihinal.

Ayon sa US Ambassador dito sa Manila sisikapin daw niyang tumulong upang mabawi ang kampana pero hanggang ngayon wala pa akong nakikitang palatandaan na ginagawa niya upang maibalik sa atin ang mga Balangi­nga bells. Huwag puro salita dagdagan din sana nya ito ng gawa. Kung talagang kaibigan ang turing ng US sa atin huwag nilang pag-interesan ang bagay na hindi sa kanila.

Hindi man matupad ngayong Pasko sana sa susunod ay marinig na ng ating mga kababayan sa Balangiga Eastern Samar ang tunog ng orihinal na kampana. Konting dasal na lang mapapasaatin na.

Maligayang Pasko sa inyong lahat!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with