^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sunud-sunod ang sibakan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sunud-sunod ang sibakan

PAGKATAPOS sibakin ni Pres. Rodrigo Duterte ang chairman ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), sinundan agad ito nang pagsibak kay Elba Cruz, president ng Development Academy of the President (DAP) na ipinaabot sa pamamagitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea. Marami umanong kuwestiyunableng gawain si Cruz sa DAP na pati mga empleado roon ay apektado. Kabilang sa inirereklamo laban kay Cruz ay ang harap-harapang pag-violate nito sa government rules and regulation. Binabalewala umano nito ang civil service rules. Inatasan si Cruz na i-turn over ang lahat nang opisyal na dokumento, papeles at pag-aari sa nararapat na tanggapan. Ayon sa report, noong pang nakaraang Hunyo 2017 natapos ang termino ni Cruz at nagsisilbi na lamang bilang hold over capacity.

Noon pa, binalaan na ng Presidente ang mga government official na sisibakin ang mga ito sa puwesto kapag nakagawa nang hindi karapat-dapat at lumulustay sa pondo ng bayan. Kung galit siya sa mga “tulak” galit din siya sa mga korap.

Sinibak niya sa puwesto si PCUP chairman Terry Ridon at apat pang commissioners nito dahil sa walang tigil na pagbibiyahe sa ibang bansa gamit umano ang pondo ng bayan. Sabi ng Presidente, pitong beses na nagbiyahe sa ibang bansa si Ridon mula nang italaga niya ito sa puwesto noong nakaraang taon. Sabi pa ni Duterte, wala raw kaugnayan sa trabaho nito ang pagbibiyahe sa ibang bansa at ang masaklap pa, dalawang beses pa lang nagmimiting ang PCUP sa ilalim ni Ridon.

Nasimulan na ni Duterte ang sibakan blues at umaasa ang taumbayan na marami pang opisyal ang matatanggal sa puwesto dahil sa paggawa nang hindi kanais-nais. Mapabilang naman kaya ang PCSO sa binabatikos na 10 milyon na gastos sa Christmas party kamakailan?

Kapag nagawa ng Presidente na matanggal ang mga korap, biyahe nang biyahe, lumalabag sa civil service rules at kung anu-ano pang kasamaan, magkakaroon na ng tiwala ang taumbayan sa mga namumuno. Ipagpatuloy ni Pres. Duterte ang sinimulan. Sayang ang pinagpaguran kung ititigil lang.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with