^

PSN Opinyon

Trillion pondo sagana sa PH

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SANA mapakinabangan ng husto ng madlang pinoy ang P3.77 trillion national budget for 2018 na binasbasan na ni Boss Digong.

Sabi nga, Amen!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi biro ang 2018 pondo ng gobierno na inilaan para sa madlang pinoy dahil sila ang makikinabang ng husto dito.

Ika nga, mga anak at apo nila !

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinarte-parte ang pondo kaya ang nakakuha ng malaking funding sa national budget ay Department of Education,  Department of Public Works and Highways, Department of Social Welfare and Development at AFP.

Sana hinidi magkabulsahan dito sa pagitan ng mga matatakaw na opisyal ng gobierno at mga contractor na mapaglalaanan nang project, mga supplier at service provider na lalabas na winner bidder na kanilang sinalihan.

Sabi nga, sana walang himalang mangyari. Hehehe !

Ika nga, huwag ma-magik ang pondo.

Sabi ng mga asset, dapat baguhin na ang system at ayusin ang procurement offices at bids and awards committee para hindi ma-hokus-pokus ng mga corrupt ang pondo.

Dapat pakinabangan ng madlang pinoy ang malaking salaping inilaan dito

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, sangrekwang trabaho ito para sa madlang pinoy.

Ika nga, ito ang kailangan.

Sa laki ng pondong inilaan ng Duterte administration sa mga ahensiya ng pamahalaan sana huwag itong mabulsa.

‘Number 1 na makikinabang dito ang mga ospital para matulungan ang mga kapus palad na madlang pinoy kaya kailangan mabantayan iyong mabuti.’ sabi ng kuwagong salawahan.

Isa pang very important ay ang paggawa ng maayos na edukasyon para dehins na pupunta ang madlang pinoy sa abroad para magtrabaho roon.

Maraming dapat bantayan oras na pinawalan ang national budget sa 2018 !

Abangan.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with