^

PSN Opinyon

Bonggang Christmas party

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

PASKUNG-PASKO, mainit ang ulo ni Pres. Rodrigo Duterte. Naglabasan kasi ang balita tungkol sa umano’y bonggang Christmas party ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binulgar ni Sandra Cam. Tiyak ko, may matatagpas naman sa mga alipores ni Digong sa mga susunod na araw, he-he-he!

Hindi kasi biro ang mga trahedyang nangyari sa bansa­ ngayon matapos ang giyera sa Marawi. Ang Bagyong Urduja na kumitil ng buhay at sumira ng mga imprastruktura sa Biliran, Leyte ay nangangailangan ng limpak-limpak na datung para tustusan ang mga nagugutom na mga residente roon. Subalit ang PCSO ay gumastos ng P6 hanggang P10 milyon sa bonggang Christmas party lang. Hindi nanggaling sa bulsa ni PCSO general manager Alexander Balutan ang datung na ginastos sa masayang Christmas party kundi sa tinabong taya ng sambayanan sa lottery. Subalit kung ginamit ito sa pag-ayuda sa mga nagugutom nating kababayan tiyak na kahit papaano’y makakangiti ang mga nagugutom nating­ mga kababayan. Di ba mga suki? Kaya sa galit ni Digong, pamura nitong sinabi sa kanyang talumpati na hindi siya mangingiming alisin sa puwesto ang mga opisyales ng gobyerno na lumulustay ng salapi ng bayan. Malalaman natin ito bago matapos ang 2017.

Samantala, nagsalubong ang kilay ni President Duterte  sa galit ng dumalaw sa burol ni PO3 Wilfredo Gueta. Si PO3 Gueta ay napatay sa isang madugong pakikipagbarilan sa mga tulak ng droga sa Pasig City. Nakatakas naman ang suspek na si Roberto Llaguno. Maliban kay PO3 Gueta nasugatan din si PO1 Raymond dela Cruz sa pakikipagbarilan. Mukhang ito na ang hudyat na lalong magiging madugo ang pakikipag-engkuwentro ng mga pulis sa mga salot ng droga. Kasi nga nalagasan ang PNP sa paghabol sa drug pusher.

Ang masakit pa nito, may ilang oras pa lang  na nakakaupo si C/Supt. Reynaldo Biay sa Eastern Police District. Mukahng hindi magandang pasalubong ito kay Biay. Di ba mga suki?  Ang masaklap pa, nang mga oras na yon ay ginaganap ang Christmas party sa opisina ni Sr/Supt. Orlando Yebra Jr.  Biglaang tawag lamang ng ilang concerned citizen na nakita si Llaguno sa may Katarungan Street  kung kaya lumakad ang grupo ng  Station Drug Enforcement Unit (SDEU)  sa pangunguna nina PO3 Gueta at PO1 Dela Cruz upang birepikahin. Nagpaputok agad si Llaguno at tinamaan si Gueta subalit kahit na bagsak na, nakipagpalitan pa rin ito ng putok. Maging si Dela Cruz ay tinamaan din. Kaya nagpupuyos si Digong sa pagkamatay ng pulis.

Sa puntong ito, agad ipinag-utos ni NCRPO director Oscar Albayale na paigtingan ang paghahabol sa mga tulak ng droga sa Metro Manila. Maging si EPD director Biay ay agad pinulong ang kanyang mga tauhan upang habulin ang drug pushers. Subalit susundin nila ang utos ni Duterte na gagamitin lamang ang dahas sa mga pusakal ng droga kapag lumalaban at nalalagay na sa panganib ang mga pulis. Abangan!

Maligayang Pasko sa inyong lahat mga suki!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with