^

PSN Opinyon

NPA ang hadlang sa kaunlaran -- Digong

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA kabila ng pagdedeklara sa CPP-NPA na isang tero­ristang grupo, nagproklama pa rin ng tigil-putukan si Presidente Duterte sa panahon ng Pasko’t Bagong taon. Tinugunan naman ng CPP-NPA ang ginawang ito ng Pangulo at nagdeklara rin ng ceasefire sa buong panahon ng Pasko at Bagong Taon.

Pero nilinaw ng Pangulo na hindi niya ginawa ito bilang pabor sa mga rebeldeng komunista kundi para malayang makapagdiwang ng Pasko at Bagong Taon ang mga pulis at sundalo at makapaghari naman ang katahimikan sa panahong ito na ginugunita ang pagsilang ng ating Mesiyas na si Jesu-Cristo. Harinawang walang mangyaring paglabag sa ceasefire na ito. At kapag natapos ang Christmas season, nakalulungkot man pero tuloy ang bakbakan.

Anang Pangulo, pangunahing dahilan kung bakit hindi umunlad ang ekonomiya ng bansa ang mga panliligalig ng mga rebeldeng komunista. Sinabi ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng corn and rice blend program ng Department of Agriculture (DA).

Dagdag ng Pangulo, ito ang dahilan kung bakit ma­ituturing na weakest link ng ekonomiya ng Pilipinas ang agriculture sector.

Kaya pursigihin man ng pamahalaan ang mga progra­mang paunlarin ang kabuhayan ng mga magsasaka at ma­ngingisda, papaano magtatagumpay ang programa kung mismong ang mga rebelde ang pumipigil dito? At ang kabalintunaan ay, ang kahirapan umano ang dahilan kung bakit nag-aaklas ang mga makakaliwang grupong ito.

Ang nakikita kong napakaliwanag ay, ayaw umangat ng mga komunista ang bansa dahil kung mangyayari ito, mawawalan na ng saysay ang kanilang pakikipaglaban. Talagang gulo lang ang hanap nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with