^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Trahedya na naman sa laot

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Trahedya na  naman sa laot

MALAKING katanungan ngayon kung ano ang dahilan at biglang lumubog ang Mercraft 3 habang patungo sa Polillo Island noong Huwebes ng umaga. Galing ang ferry sa Real, Quezon. Apat ang namatay at may 88 pang nawawala. Ang fastcraft ay may 251 pasahero at may pitong crewmen. Nasagip ang 66 na pasahero ng fastcraft at pinagpapatuloy pa ang paghahanap sa iba pang pasahero.

Hindi pa matiyak ang tunay na dahilan nang paglubog ng Mercraft. Sabi ng Philippine Coast Guard (PCG), pinayagan nilang makaalis ang ferry dahil walang nakaanunsiyong bagyo sa lugar. Kalmado ang alon at wala silang nakitang dahilan para maglayag. Hindi rin daw overloaded ang barko. Pero nang may dalawang oras nang naglalayag biglang lumubog ang Mercraft. Mabuti na lamang at agad nasaklolohan ng isa pang barko. Ganunman, nagbuwis din ng buhay ang apat na pasahero ng Mercfraft.

Maayos ang panahon, hindi malalaki ang alon at walang maaaring maging dahilan para lumubog. E ano nga ang tunay na dahilan? Hanggang ngayon patuloy pang nagkakaroon ng imbestigasyon para matukoy ang dahilan nang paglubog. Hindi naman sinabi kung luma na ang barko na maaaaring dahilan kung bakit agaran itong lumubog.

Kailangang maimbestigahan ang pangyaya­ring ito para hindi na maulit ang trahedya. Kung wala na­mang sama ng panahon at hindi overloaded, ano ang dahilan nang paglubog?

Maaring hindi na seaworthy ang Mercraft kaya bigla namang lumubog. Nararapat alamin ng mga nag-iimbestiga kung may katotohanan ang balitang luma na nga ang barko at hindi na nito kayang basagin ang alon.

Sariwa pa sa isipan ang Doña Paz tragedy kung saan 4,000 ang namatay. Bukod dito marami pang dahilan na itinuturo ang paglubog ng Mercraft. Sana, mabilis ang gawing pagsisiyasat. Iligtas ang mga pasahero na nagnanais lamang makapi­ling ang mahal sa buhay kaya sumakay ng barko.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with