^

PSN Opinyon

‘Mangkukulam’bakit pinapatay?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

NAPABALITA kamakailan ang pagpatay sa “mangkukulam­” sa Ilocos. Halos kasabay ang pagpatay sa isa ring “bruha” sa India. Magkatulad ang mga kuwento: matatanda ang mga pinaratangan, kesyo nagdudulot ng kamalasan, sakit at kamatayan, at nag-aanyong aso o iba pang hayop.

Mula 14th-18th centuries 80,000 tao ang pinarata­ngan ng pagkukulam. Karamihan sa kanila ay pinatay ng mga kamag-anak at kapitbahay. Sinusuri ngayon kung ano ang dahilan sa “kabaliwan”.

Sa pag-aaral ni economist Emily Oster ng Brown University, USA, dumagsa ang paglilitis at pagpatay ng “mangkukulam” nu’ng sumama ang ekonomiya. Biglang lumamig ang panahon sa Europe simula 1590, at nawasak ang pananim. Nahirapan ang mga komunidad alagaan at pakainin ang matatandang uugod-ugod. Ani Oster, pinaratangan at pinatay sila ng mga gutom at hirap na pamilya at kapitbahay.

Kabaliktaran ang pasya ni economics Prof. Cornelius Christian ng Brock University, Canada. Sa Scotland 164 taon simula 1563 mahigit 3,500 ang nilitis na mangkukulam at kalahati ang binitay -- pangalawang pinaka-malala sa Europe. Tampay ang panahon sa Scotland noon, at mayabong ang ani. Ani Christian, maraming oras ang mayayaman sa kung anu-anong aktibidad, lalo na sa pagpaparatang sa mga “bruha”.

Iba pa ang konklusyon nina Peter Leeson at Jacob Russ ng George Mason University, USA. Wala umanong kinalaman ang ekonomiya, kundi ang mga sekta ng relihiyon, sa kabaliwan ng mga komunidad kontra mangkukulam. Sinuri nila ang 43,000 paglilitis sa France, Germany, at Switzerland, lalo na nu’ng panahong 1560-1630. May maganda at pangit na ani. Sumibol noon ang Protestant Reformation. Napansin nila na pinaka-matindi ang pagpaparatang at pagpatay sa mga bayan-bayan kung saan magkasing-impluwensiya ang mga sektang Katoliko at Protestante. Nagpaligsahan sila sa paghikayat ng pananampalataya sa kung sino ang protektor kontra sa mangkukulam.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with