^

PSN Opinyon

‘Kudos sa lokal na pamahalaan ng Biñan, Laguna’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

HINDI banat ang laman ng kolum ko para sa araw na ito kundi isang pasasalamat sa lokal na pamahalaan ng Biñan, Laguna. Sa programa naming Kilos Pronto, agad kayong tumugon at umaksiyon.

Hindi na kasi makayanan ng mga residente ng Ireneville Drive, Brgy. San Francisco, Biñan Laguna ang tubig baha na namemerwisyo sa kanila at mga motorista.

Siyam na buwan na umano silang nabubuhay na parang may ilog sa kanilang paligid. Kundiman, sa kapal ng putik at lumot sa kalsada animo’y may mga kalabaw ng ilang beses naglubluban dito.

Umabot na sa estadong nakakapinsala kaya’t katakut-takot na pangamba na ang bumabalot sa mga resident ng Ireneville Drive.

Inilapit naman daw nila ang reklamo sa kanilang barangay captain subalit ‘alang nangyari, malamang isa ‘yan sa mga natutulog sa pansitan.

Ganunpaman, isang tawag lamang ng Kilos Pronto sa mismong munisipyo ng Biñan, Laguna, agad nagpababa ng utos si Mayor Arman Dimaguila Jr. na ipaayos ang kalsada.

Ang siste pala, isang trucking company ang nakasira ng kalsada kaya’t nagmala-swimming pool ito kalaunan. Ang pesteng kompanya, nangakong ipaaayos ang nasirang kalsada subalit magpapasko na, patay malisya pa rin ang mga hunghang.

Sa utos ni Mayor Aguila sa mismong City Engineer, agad nalunasan ang problema ng mga residenteng nag­rereklamo. Banta rin ni Mayor sa pasaway na kompanyang nanira ng kalsada, sasampahan kayo ng kaso ng lokal na gobyerno.

Sana lahat ng lokal na gobyernong aming nilalapitan ay may ganitong prinsipyo. May galang sa mga taong kanilang nasasakupan at sa kanilang teritoryo. Kilos Pronto kung umaksiyon kapag may problema, hindi na kailangang hatawin pa, solusyon agad.

‘Yung iba kasi, salaula sa kanilang mga lugar o bayan na pinamumunuan. Sabagay, nakikilala ang isang lider sa uri ng pamumuno na kanilang ginagawa.

Sa inyo diyan sa Biñan, Laguna, kudos at pagpalain kayo lalo ng maykapal sa inyong pamumuno!

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with