^

PSN Opinyon

Walang himala

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

LAGOT ! Ito palang “Revolutionary government,” ay matutupad lang kung ang kanyang AFP at PNP ay magdeklara ng isang ‘coup d’etat’ pero si Boss Digong pa rin ang magiging boss tsip.

Sabi ng kuwagong adelentado, “totoo ito ! tingnan  ninyo kaya hanggang ngayon puro satsat lang ang mga kampon ni Boss Digong. Hehehe!

Kasi nga naman daw paano mong masasabing hindi nilabag ni Boss Digong ang Constitution dahil nga mandato ng ating  mga sundalo at kapulisan na ipagtanggol ang gobierno at siyempre kung sinuman ang nakaluklok na panginoon, este pangulo dito.

Aba, may punto, hindi ba? Lalo na ngayon na laging bukang bibig ni Boss Digong na hindi siya magiging diktador tulad ng kaniyang idolong si Apo Marcos.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Apo Marcos nga naisip magdeklara ng martial law at siempre maraming naibigay na rason para makuha ang simpatiya hindi lang ng madlang people kundi ang international community, lalo na ang US of A. 

Aba, nakagawa rin siya ng bagong nilagang saging este mali Saligang Batas pala matapos noon at hataw na ang kaniyang “Bagong Lipunan.”

Biglang naluma ang kaniyang estilo sa pulitika.  Naletse tuloy si Makoy.

Siguradong alam ni Boss Digong na ang madlang people ay naniniwala pa rin sa tunay na demokrasya. Kaya nga siya nailuklok dahil ipinangako niya na hindi na lamang ang mga oligarko ang mamayagpag sa ating lipunan kundi ang nakakaraming tao.

“Matuloy lang daw ang ‘RG’ ay ayos na ang butu-buto,” bola ni Kuwagong Adelantado.

“Kahit anong gawin ni Boss Digong, siguradong matutupad.” hindi naman daw bubuwagin ang mga institusyon ng ating demokratikong sistema tulad ng hudikatura at Kongreso.  

Kaya lang dahil si Boss Digong ang tagapagligtas ng lipunan, kaniyang  ibubuhos ang lakas ng ehekutibo para magawa ang  mga repormang kaniyang pinako para ‘di mapako.

Siempre, una nga diyan ang pagtigpas sa mga ulo ng mandarambong na kongresista at mga hukom.

Paano naman malalaman kung sino nga ang dapat matanggal? 

Naku, hindi na problema iyon dahil si Boss Digong na ang sinabing “judge and jury” sa labanang ito.

Hindi nga pala nabanggit ang kaniyang mga kaaway sa pulitika. Tiyak tiyugi rin sila.

Hindi na rin problema kay Attorney Larry Gadon ang  Suprem­e Court dahil bahala na si Boss Digong ‘dun. 

Balita nga ng ating kuwagong adelantado,  pagsisipain este mali pagbibitiwin ni Boss Digong ang mga ito para palitan na nakikita niyang karapat-dapat sa mataas na hukuman.

Kung ganito pala , baka wala nang matira sa ating pamahalaan kundi si Boss Digong lang at ilang mga santo – at sipsip.  

 Siempre dahil sa kaniya ang military at pulis, hindi naman padedehado sa labanan tungo sa pagbabago ang mga ito. Iyan ay kung makuha ni Boss Digong ang lahat.

Ang mas nakikita ko pang problema ay mukhang hindi ganun kalakas ang simpatiya nito sa RG.

Ito na lang si Defense Secretary Delfin Lorenzana, nadulas agad na ayaw ng AFP ang ganitong sistema nang minsan maitanong ni Vice President Leni Robredo. 

Siempre yung ale nangangamba dahil tiyak siya ang unang mawawala sa puesto.

Kailangan din tingnan ang timpla nang mga tinaguriang “three stooges”  na kabilang si Lorenzana, Military adviser Hermogenes Esperon at dating AFP tsip Eduardo Ano.

Balita ng kuwagong aktibista, muntik na palang magkaroon ng unilateral ceasefire noong nakaraang buwan, pero nang naguusap na ang gobierno at mga rebelde ay biglang ipinatigil ni Boss Digong at sinarado na ang usapang pangkapayapaan.  

Sinisi tuloy ng mga taga-NDF ang ‘Three Stooges” na alam naman na lahat ay mga “Amboy.”

Hindi rin pasisiguro sa PNP kasi ito lang palitan ng liderato mula kay Gen. Bato mukhang problema na.

Haaay naku, mukhang wala pang  himala!

Abangan ang susunod na kabanata. 

Sabi nga, merry-go-round muna tayo ngayong kapaskuhan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with