^

PSN Opinyon

Pagkaing maaaring magdulot ng kanser

DOC WILLIE - Pilipino Star Ngayon

MAY mga pagkaing posibleng magdulot ng kanser. May mga pagsusuri ang nagpapakita na kapag nasobrahan sa mga pagkaing ito ay puwedeng makasama sa ating kalusugan. Subukan nating limitahan o iwasan ang mga sumusunod:

1. Taba ng baboy at baka -- Kasama rito ang lechon, crispy pata, steak, sinigang na baboy, pork chop at iba pa. Ang pagkain ng taba ay nagpapataas sa tsansang magkaroon ng breast cancer, colon cancer at prostate cancer. Kapag mas maraming karne ang kinakain, mas matindi rin ang mga sakit. Kumain na lang ng isda.

2. Sunog na karne – Minsan, kapag nagluluto ng baboy o baka ay may parte ng karne na nasusunog. Dala ito ng sobrang pag-ihaw o pagprito. Tanggalin ang mga parteng sunog at huwag itong kainin. Ang sunog na karne ay may toxin na nagdudulot ng kanser sa bituka at tiyan. Kahalintulad ang toxin sa nasusunog na tabako na nalalanghap ng mga naninigarilyo.

3. Preserved meat tulad ng hot dog, bacon, ham, salami at pepperoni – Ang mga pagkaing ito ay may sangkap na sodium nitrite, isang preservative na puwedeng makasama sa kalusugan kapag nasobrahan ang kain. Ayon sa ilang pag-aaral, ang mga pagkaing ito ay puwedeng magdulot ng kanser sa tiyan at bituka. Para maging ligtas, limitahan ang pagkain sa 1 o 2 beses lamang sa isang buwan.

4. Laging prito ang pagkain tulad ng French fries – Kapag ang pagkain ay matagal na pinirito, tulad ng mga deep-fried foods, may masamang sangkap na acrylamide ang nagagawa nito. Ang sobrang acrylamide sa katawan ay puwedeng magdulot ng kanser at makasira sa selula ng utak at ng reproductive system (pagbubuntis). Hindi naman nating pinapayo na huwag nang kumain ng mga nabanggit pero bawasan lang ang pagkain.

5. Alak – Ang pag-inom ng sobrang alak ay puwedeng magdulot ng kanser sa bibig, lalamunan, esophagus, atay, lapay (pancreas), bituka at suso. Kapag sinabayan mo pa ng paninigarilyo ay lalong tataas ang tsansa ng kanser. Ang ethanol ang sangkap na puwedeng magbago sa anyo ng DNA sa selula para maging kanser. Sa loob ng bituka, ang alcohol ay nagiging acetaldehyde, isang kemikal na napatunayang nagdudulot ng kanser sa mga hayop.

Tandaan: Maraming bagay kapag nasobrahan ay maaaring makasama sa kalusugan. Mag-ingat po!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with