^

PSN Opinyon

Hindi bagay si Bato sa BuCor

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

PARA sa akin, pag-isipan sanang mabuti kung nara­rapat bang italaga si outgoing PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa bilang Bureau of Correction (Bucor) chief. Oo nga at maganda ang layunin ni Pres. Digong Duterte na magtuluy-tuloy ang pagsisilbi ni Bato sa kanyang administrasyon. Ang sa akin lang ay mas bagay kung sa isang department o Cabinet level­ na puwesto. Nakita naman natin kung paano niya pinamunuan ang PNP. Dedicated sa kanyang trabaho at laging handa sa lahat ng utos ng Commander in Chief.

Malaki ang tiwala ni Digong kay Bato kaya siya ang napisil nito para putulin ang mga sungay ng mga druglords sa New Bilibid Prison (NBP). Kahit na nga tinanggap na ang posisyong gustong iatang sa kanya bilang Bucor Chief ay magiging malaking hamon ito sa kanyang pagkatao. Dito masusubukan si “Bato” kung kaya ba siyang palambutin ng drug lords. Mala­king sindikato ng droga ang kanyang babanggain, Sa dinami-dami ng humawak ng posisyon sa Bilibid, wala pang nagtagumpay. Kaya ganundin ang tingin ko hindi rin magtatagumpay si Bato kapag ginawa siyang Bucor chief. Alam naman nating lahat na napakaraming tukso sa Bilibid. Marami nang nadungisan ang pagkatao dahil­ nasasangkot ang mga ito sa drug money, na hanggang ngayon ay umiiral pa rin sa NBP.

Kunsabagay natapos ang termino niya bilang PNP chief na hindi man lang nadungisan o nasangkot sa anumang katiwalian. Kahit na meron siyang mga tauhang bugok at nasangkot ang mga ito sa iba’t ibang klaseng krimen, hindi naman dapat husgahan ang buong samahan. Sabi nga “If you rotten apple do not make the whole barrel rotten”.

Malaki ang tiwala ko kay Bato pagdating sa trabaho, maski tambakan siya ng sandamakmak na suhol ay mabibigo lang ang mga ito. Sana mabigyan siya ng isang magandang pwesto sa Gabinete dahil kung ako ang tatanungin doon siya nababagay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with