^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Paulit-ulit na trahedya pero walang natututo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Paulit-ulit na trahedya pero walang natututo

BAGYO, baha at landslides. Ito ang karaniwang tumatama sa bansa kung Disyembre. Marami nang trahedyang may kaugnayan sa mga ito ang nangyari na nagdulot nang pagkamatay nang ma­raming tao. Pero sa kabila ng mga ito, marami pa rin ang hindi natuto. Hindi pa rin sila nakapaghanda at binalewala ang babala.

Umabot na sa 47 ang namatay sa pananalasa ng Bagyong Urduja sa Eastern Visayas. Karamihan sa mga namatay ay dahil sa landslide. Grabeng tina­maan ang Biliran, Leyte kung saan 20 katao ang namatay nang matabunan ng lupa. Nasa paanan ng bundok ang mga bahay ng biktima at nasapol ng pagguho. Lumambot ang lupa sa bahaging slope ng bundok dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Ayon sa weather expert ang ibinagsak na ulan sa Biliran ay katumbas ng isang buwan na pag-ulan. Ayon sa mayor ng Biliran, noon lang sila nakaranas ng ganoon kalakas na pag-ulan. Bumaha rin sa maraming lugar sa Leyte.

Ayon sa report, marami sa mga nakatira sa Biliran, lalo ang nasa paanan ng bundok ang hindi nakinig sa babala na dapat lumikas dahil sa posibleng pagguho. Ayon umano sa mga residente, hindi naman delikado ang bundok na nasa likuran nila dahil hindi naman ito kinakitaan nang pagkasira. Sa tingin nila ay ligtas sila sa paanan ng bundok kaya hindi umalis. Hanggang sa maganap ang trahedya. Animo’y pinatag ang bundok makaraang maguho. Malalaking bato ang tumabon sa mga bahay. Hanggang kahapon, marami pang naghuhukay sa pag-asang may mailigtas. Mahigit 30 pa ang hinahanap na pinaniniwalaang nalibing sa putik.

Nangyari na ang ganito sa Bgy. Guinsaugon, St. Bernard sa Southern Leyte noong 2006. Isang barangay ang natabunan nang maguho ang bundok dahil sa walang tigil na pag-ulan. Isang school ang natabunan kasama ang mga estudyante. Mahigit 1,000 katao ang namatay.

Nangyari na naman ang trahedya. Kailan matu­tuto ang mga tao? Kung sumunod lamang sa utos na agarang lumikas, hindi sana nangyari ang ganitong trahedya sa Biliran. Mauulit ang trahedyang ito hangga’t may nagbabalewala sa babala. Matuto na sana para makaiwas sa trahedya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with