^

PSN Opinyon

Nasasayang ang oras ng PDEA

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MAKATWIRAN lang na ibalik ni Pres. Rodrigo Duterte sa Philippine National Police ang gyera kontra droga kasi nga kung ang aasahan lamang niya ay ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), usad pagong lang ang kanyang mapapala. Bukod kasi sa kakarampot lamang itong mga tauhan ni PDEA chief Gen. Aaron Aquino, abala pa pala sa kapapamudmod ng t-shirt diyan sa Region 4-A. Lumalabas tuloy na Task Force Pakilala lang itong mga tauhan ni Aquino sa mga local officials. Hehehe! Dapat dito sa PDEA4A regional director sa Calabarzon ay nasa advertising agency dahil sa excellent performance ang kanyang strategy for their newly scheme to promote their T-shit with PDEA logo to local officials. Ayon yan sa nasagap kong impormasyon Gen. Aquino Sir!

Wala naman sanang masama sa ginagawa nitong PDEA Region 4-A sa photo ops sa ilang mayors sa pagpamamahagi ng t-shirt with PDEA logo, subalit sayang ang kanilang ginugugol na oras para habulin ang mga big-time drug personalities para ma-neutralized ang ikinukumpas ni Digong na mga high value target na nagtatago sa naturang lalawigan. Ang masama pa nito ayon sa aking mga nakausap, nasasayang ang oras at natatapyas pa ang budget ng PDEA dahil napupunta ang taxes ng bayan sa t-shirts promotion. Hehehe! Bumabandera umano ito sa Face Book ng PDEA, ang masakit nito kadalasan hindi mahagilap ng media ang mga tauhan ni Aquino sa kanilang opisina at kung nataon pa umano na nasa opis sila pahirapan pa sa karayom ang paghahanap sa kanila. Ano ba yan mga suki? Kaya mabuti na lamang at nahimasmasan si Digong at big­lang ibinalik sa PNP ang pakikipaggiyera sa droga.

Kaya kaliwa’t kanan na naman ang pag-aresto sa mga pinaghihinalaang tulak ng droga. Kung sabagay hindi naman maikukubli ang magandang accomplishment ni QCPD director CSupt. Guillermo Eleazar mga suki, mula nang iutos ni Digong sa PNP ang pagtugis sa mga durugista at pushers. Kamakailan lamang sa Cubao nadiskubre ang drug dens na gumagamit ng heringgilya na itinuturok ang shabu sa katawan ng mga adik. Bagong estilo ito subalit mas matunog ang pulis ni Eleazar kaya nahuli at humihimas na ngayon ng rehas. Kaya naman mabunga ang paghahabol ni Eleazar sa mga salot dahil idinadaan nito sa pakikipag-dialogo sa mga barangay officials, establishment owners at hindi sa pamamahagi ng t-shirts.Malinaw ito na kahit na wala kang ibibigay sa mga LGU’s na t-shirts basta’t nakakausap mo sila ng personal tiyak na ang pagdamay sa kampanya kontra droga ay magiging matagumpay. Gen. Aquino, haribasin mo ang iyong mga tauhan sa Region 4-A nang matuto kung papaano gastusin ang kapiranggot na budget na inilaan sa pagtugis sa mga high value target. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with