^

PSN Opinyon

Pinalalaki lang daw ang isyu

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KARAPATAN ng China na gawin ang anumang gawin nito sa mga islang nilikha nila sa South China Sea, dahil teritoryo naman nila ito. Ito ang kanilang pahayag sa pinuna ng Asia Maritime Transparency Initiative (Amti) sa patuloy na paglagay ng kagamitan ng China sa mga isla. Pinalalaki lang daw ng ilan ang isyu. Ayon sa Amti, patuloy ang China  ng paglagay ng mga kagamitan para suportahan ang mga “base militar” nila sa karagatan, tulad ng mga bagong radar.

At dahil ito ang pahayag ng China hinggil sa kanilang ginagawa, ganito na rin ang katayuan ng gobyerno. Wala naman daw nawalang teritoryo ang Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Duterte, hindi tulad ng mga nakaraang adminis­trasyon. Wala rin naman daw inaangkin na bagong teritoryo ang China. Lahat naman daw ng mga bansa na may hawak na isla sa karagatan ay gumagawa rin ng kani-kanilang pagsasaayos ng mga imprastraktura. Parang taga-pagsalita na rin ng China ang gobyerno.

Wala nga bang nawala sa Pilipinas? Paano pala ang Panatag Shoal, kung saan kontrolado ng mga barko ng China ang lahat ng kilos ng sinomang mangisda sa lugar? Hindi nga makapasok sa loob mismo ng Panatag ang mga mangingisda, hanggang sa labas lang. Malaya nga ba ang paglayag at paglipad sa karagatan, kung binabantayan at sinisita ng China ang lahat ng kilos? At hindi ba tila nawala ang teritoryo ng Pilipinas noong tinabi ni Duterte ang pagkapanalo ng bansa sa Permanent Court of Arbitration (PCA)? Ayon sa desisyon, walang batayan ang Nine Dash Line ng China, kaya hindi puwedeng sabihin na teritoryo nila ang halos buong karagatan, kasama ang Panatag Shoal.

Tatalakayin daw ang mga ginagawa ng China sa susunod na pagpulong hinggil sa Code of Conduct. Pag-uusapan din daw ito sa Beijing sa susunod na taon. Pero asahan na hindi magiging matigas ang posisyon ng Pilipinas, sa takot na mawala ang lahat ng ipinangakong pinansiyal na tulong para sa mga proyekto ng bansa. Ito ang kapalit ng pagsasantabi ng desisyon sa PCA. Kapag teritoryo na ang pinag-uusapan, asahan na hangga’t maaari, ayaw talagang pag-usapan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with