^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lagyan ng ngipin ang Anti-Drunk Driving Act

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL  - Lagyan ng ngipin ang Anti-Drunk Driving Act

MARAMING umuuwi ng gabing-gabi na o madaling araw na ngayong panahon. Dahil ito sa kabi-kabilang Christmas party. At dahil party, hindi mawawala ang inuman. Kasama ang inuman sa kasiyahan. Kaya lang, hindi na inom ang ginagawa ng ilang empleado kundi laklak. Hangga’t merong alak, laklak nang laklak.

Ang masama, kahit nakalaklak na, magmamaneho pa. May nagmomotorsiklo o nagkokotse. At sino ang makapagmamaneho nang maayos kung maraming nalaklak na alak. Tiyak na doble ang kita sa kasalubong na sasakyan.

Noong isang araw, dalawang magkaangkas sa motorsiklo ang namatay sa Quirino Highay sa Quezon City makaraang bumangga sa nakasalubong na ten-wheeler truck. Pumailalim pa sa truck ang dalawa. Naisugod pa sa ospital pero dineklarang dead on arrival. Lasing ang dalawang biktima na galing umano sa Christmas party.

Lasing din ang isang driver ng kotse matapos ara-ruhin ang center island sa Quezon Avenue. Ma­buti na lang at minor lamang ang sugat niya. Galing din sa inuman ang lalaki na inamin na marami siyang nainom. Hindi raw niya napansin ang center island.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) karamihan sa mga nangyayaring malalagim na aksidente sa Metro Manila ay dahil sa pagmamaneho ng lasing at paggamit ng bawal na droga.

Nang lagdaan ang “Anti-Drunk and Drugged Dri­­ving Act of 2013” (Republic Act 10586), maraming natu­wa dahil mababawasan na ang aksidente sa kalsa­da dahil sa mga senglot na drayber. Subalit sa halip na mabawasan ang malalagim na aksidente, dumami pa.

Sa ilalim ng batas, ang sinumang mahuhuli na nagmamaneho na nasa impluwensiya ng alak at pinagbabawal na droga ay makukulong ng tatlong buwan at pagmumultahin ng P80,000. Kapag may napinsala at namatay, magmumulta ng P200,000 hanggang P500,000 at makukulong.

Pero sa kabila ng kaparusahang ito, marami pa rin ang nagmamaneho nang lasing o naka-droga. Walang kakayahan ang MMDA na ipatupad ang batas. Marahil, kulang sila sa gamit na pang-testing kung lasing ang driver. Pero kailangang ipatupad ang batas lalo na ngayong panahon marami ang nagmamaneho nang lasing.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with