^

PSN Opinyon

Parang pelikulang eksena sa kaharian

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAS mahiwaga ang totoong buhay kaysa kathang isip. Akalain ba naman na ang eksenang pampelikula tungkol sa mga hari at prinsipe ay totoong maganap sa Saudi Arabia. At naapektuhan ang buong mundo.

Nu’ng Hunyo ipinatawag ang magpinsang sina Crown Prince Mohammed bin Nayef (MBN), 57, at Deputy Crown Prince Mohammed bin Salman (MBS), 32, sa palasyo ng hari sa Mecca. Bilang crown prince, si MBN, na pamangkin, ang magiging hari kung may mangyari kay sakiting King Salman. At si deputy na MBS, anak ng hari, ang hahalili kung may mangyari sa nakatatandang pinsan.

Nang dumating sa palasyo si MBN, tinanggalan ito ng telepono at gamot sa diabetes. Sa tulong ng iba pang mga batang prinsipe, pinagbitiw ni MBS si MBN bilang crown prince at interior minister. Matapos ang ilang oras na pamimilit, sumumpong ang diabetes, at nagbitiw nga si MBN. Agad isina-video ang sumunod na eksena. Humalik si MBS sa kamay ni MBN at nangakong pahahalagahan ang mga payo nito. Binendisyunan naman ng huli ang una. Bisperas noon ng Eid il-Fitr, patapos na ang pag-aayuno sa Ramadan; para na ring nag-kudeta sa Bisperas ng Pasko ng Kristiyanismo, anang mga eksperto.

Kinonsolida ni bagong Crown Prince MBS ang poder. Umangat sa pagka-defense minister at tagapamahala ng industriya ng langis. Kinulong si MBN sa palasyo nito sa Jeddah. Nilunsad ni MBS ang programang pag-alis ng Saudi Arabia mula sa pagdepende sa langis, at nagtatag ng maraming ibang industriya. Sumikat siya sa kabataan.

Nitong Nobyembre biglang ipinakulong ni MBS ang dalawang dosena pang mga pinsang prinsipe at mga ministro -- sa kasong korapsiyon. Ang “preso” nila ay ang magarbong Ritz-Carlton at iba pang five-star hotels sa Riyadh.

Nayanig ang mundo sa mala-pelikulang mga kaganapan. Sumipa ang presyo ng crude oil sa pangambang maaapektuhan ang supply.

vuukle comment

CROWN PRINCE MOHAMMED BIN NAYEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with