^

PSN Opinyon

Pinatay ang misis

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling Bahagi)

BUMALIK si Nolan sa bahay at nagkulong sa banyo. Katabi niya ang duguang kutsilyo na ginamit sa pagpatay sa asawa pati isang botelya ng lason. Sa ganitong tagpo siya inabutan ng mga pulis na pinagsumbungan ni Nolan. Kinasuhan siya ng parricide dahil sa ginawang pagpatay sa misis.

Sa paglilitis ay tumestigo para sa prosekusyon sina Elsa, Lita, Bella at Mora. Isinalaysay nila kung paano pinatay ni Nolan si Ria. Sa kabilang dako, hindi naman itinanggi ni Nolan ang ginawang pagpatay sa asawa. Ang depensa lang niya ay dumating daw siya sa bahay nila bandang alas-onse ng umaga pagkatapos magbenta ng strawberry sa palengke at nahuli niya sa aktong nagtatalik sa mismong kwarto nila si Ria at ang isang lalaki na nakilala niyang si Selmo.

Kaya agad daw siyang tumakbo sa kusina para kumuha ng kutsilyong gagamitin upang ipagtanggol ang sarili. Mukha raw kasing mas malaki at mas malakas sa kanya ang lalaki. Ngunit pagbalik daw niya sa kuwarto ay nakapagbihis na si Selmo at nakatakas na sa bintana. Tumakas din daw si Ria papunta naman sa bahay ni Bella. Nang abutan daw niya ang asawa para komprontahin ito sa nangyari ay uminit ang ulo niya at nasampal si Ria nang ikumpisal ng babae ang plano nitong pakikipaghiwalay. Nang tumakbo daw si Ria sa may burol ay hinabol pa rin niya ang misis hanggang sa pareho silang mahulog at magpagulong-gulong. Doon na daw niya nakita ang dugong bumubulwak sa dibdib ng asawa. Sa pagkagulat at pagkalungkot ay umuwi na lang siya at nagkulong sa banyo. Kung saan siya inabutan ng mga pulis.

Ngunit hinatulan parin ng mababang hukuman na may sala si Nolan at sinentensiyahan ng reclusion perpetua. Kinatigan ito ng Supreme Court na nagsabing hindi kapani-paniwala ang naging alibi ni Nolan. Maraming testigo na nakakita kay Ria na namimitas ng strawberry noong umagang iyon.   Isa pa, sabihin man na totoo ang kanyang sinasabi ay hindi naman niya napatunayan na talagang napatay niya ang babae nang mahuli sa aktong nakikipagtalik kay Selmo. Kumuha pa ng kutsilyo si Nolan sa kusina at pagbalik niya ay nakatakas na si Selmo. Hindi rin niya agad hinabol si Ria dahil si Selmo muna ang inuna niyang hanapin. Nakauwi pa muna siya at nakapag-isip. Malinaw na hindi niya ginawa ang krimen nang pagpatay habang nasa akto ng pagtatalik o pagkatapos agad nito (People vs. Wagas, G.R. 61704, March 8, 1989).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with