^

PSN Opinyon

Misis ng male personality nag-e-edit ng mga bisita!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaaliw pakinggan ang masayang pagkukuwentuhan isang gabi ng isang malaking grupo ng mga dating nakakasama sa pelikula ng isang kilalang-kilalang lalaking personalidad. Napakalaki ng pangalan ng male personality na ito.

Nagsimula ang kanilang samahan nu’ng hindi pa siya kayamanan, nangangarap pa lang siya nu’n, pabarya-barya pa lang ang kanyang kinikita.

Biglang umikot ang gulong ng buhay, ang nasa ilalim ay biglang pumaibabaw, sinuwerte nang todo ang male personality. Sobrang suwerte ang kanyang inabot, milyonaryo na siya ay sikat na sikat pa sa buong mundo, kaya napakasaya para sa kanya ng mga taong dati niyang nakakasama.

Hindi naman balato ang intensiyon ng tropa nang sadyain ng mga ito ang male personality sa kanyang magarbong bahay. Gusto lang nilang makasama uli ang kanilang idolo, makamayan lang nila at makakuwentuhan ang kanilang lodi ay masayang-masaya na sana sila, pero naunsiyami ang magkakaibigan.

Kuwento ng aming source, “Nandu’n sa bahay si ____(pangalan ng sikat na sikat na male personality), mismong mga drivers ang nagsabing nandu’n ang boss nila, pero umeksena ang kanyang wife.

“Ipinasabi niya na natutulog daw ang mister niya, hindi puwedeng gisingin, dahil sobrang napuyat the previous night. Bumalik na lang daw sila, dahil talagang hindi sila mahaharap ng male personality,” sabi ng aming impormante.

Tumawag ang tropa sa best friend ng lalaking personalidad, sinabi nila na hindi lumabas ang kanilang sadya, puyat na puyat daw kasi sabi ng misis niya.

“Nagtaka ang best friend ng male personality, imposible ang sinabi ng kanyang wife, dahil hindi napuyat ang kaibigan niya. Tinawagan ni best friend ang male personality, lumabas siya ng bahay, tuwang-tuwa niyakap nang isa-isa ang mga taong nakasama niya nu’ng nagsisimula pa lang siya.

“Pinapasok niya ang mga dumalaw sa kanya, nagpaluto siya ng food, ang saya-saya ng kuwentuhan nila. Pero nasaan na si misis? Kahit anino niya, e, hindi na nakita ng tropa? Siya kaya ang napuyat nu’ng nakaraang gabi kaya hindi siya puwedeng abalahin sa pagkukulong niya sa kuwarto sa sobrang pagkapahiya sa mga bisita ng asawa niya?

“Pak, pak, pak ganern nga ang nangyari. Pahiya si misis sa kanyang kaechosan, inabot nang hanggang makapananghali ang mga bisita ng male personality sa kanilang bahay. ‘Yun din ang tagal ng hindi niya paglabas sa kuwarto nila!” humahalakhak na kuwento ng aming source.

Ubos!

Fans nina Alden at Maine tuloy ang matinding salpukan

Nakakaloka ang pagsasalpukan ng mga tagasuporta nina Alden Richards at Maine Mendoza sa social media. Kung dati’y iisa lang ang kanilang sigaw, ngayon at hating-hati na, paano na ang AlDub Nation na itinatag nila para sa loveteam?

Lumalantad na sila ngayon kung sino ang minamanok nila talaga kina Alden at Maine, nagpaparunggitan sila, nagbabatuhan ng kung anu-anong salita na damay pati ang kanilang mga idolo.

Sa pagbabasa namin ng kanilang mga batuhan ay mas edukado ang mga opinyon ng mga maka-Alden. May katuturan ang kanilang mga sinasabi, dumedepensa sila sa makatwirang paraan, ipinagtatanggol nila si Alden sa istilong malalaman mo agad kung saan sila nanggaling.

May mga nag-oopinyon kasi sa pagtatanggol sa kanilang idolo na may kakambal na kabastusan, ‘yung sobra-sobra na ang pamemersonal, nagpapatalo sila sa kanilang emosyon.

May kasabihan pa naman na tell me who your idol is and I’ll tell you who you are. Ang repleksiyon kasi ng mga ginagawa ng mga barubal na tagahanga ay direktang bumabalandra sa kanilang iniidolo.

Siguradong hindi sila tinuturuan ng kanilang idolo na mambastos sila ng kanilang kapwa, pero sa biglang pag­husga, parang ganu’n ang lumalabas dahil sa sobrang pamba-bash ng iba d’yan.

Sayang na tambalan. Ipinanganak ang loveteam nina Alden at Maine sa napakagandang interes at dahilan. Sila ang magpoproteksiyon sa kanilang mga idolo, sila ang makikipaglaban, pero ngayon ay hating-hati na sila at may kani-kanya nang pinapaboran.

Wasak na ang kanilang diskarte, nawala na ang kanilang pagkakaisa, nakaka-miss ang dating samahan ng mga miyembro ng AlDub Nation na laban kaninuman ay iisa lang ang kanilang sigaw.

Alden at Maine lang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with