^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga bumababoy sa Pasig River, parusahan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Mga bumababoy sa Pasig River, parusahan

MARAMING lumalason sa Pasig River. Kabilang sa mga nagpaparumi ang malalaking pabrika at establisimento na nasa pampang ng ilog. Wala silang pakundangan kung isuka ang kanilang basura sa ilog. Pinarurumi rin ng squatters ang ilog sapagkat sa mismong mga kanal na sila nagtatapon ng basura. Dito na rin sila dumudumi. Ang mga dumi nila ay iluluwa ng estero sa Pasig River at dagdag sa lason doon. Kawawang ilog na masyado nang inabuso ng mga tao. Hindi magtatagal at wala nang makikita sa ilog sa mga darating na panahon kundi maitim na putik. Sa dami ng mga itinatapon dito, mapupuno na ang ilog at wala nang aagos na tubig. Pawang basura at mabahong putik na lamang ang makikita sa ilog.

Nadagdag sa mga nagpaparumi sa Pasig River ang mga illegal na nag-aalaga ng baboy sa pampang. Matindi ito sapagkat lahat ng tae at ihi ng baboy ay deretso sa kawawang ilog. Winawalis na lamang ang mga dumi at shoot nang shoot sa ilog. Umaalingasaw sa baho ang mga dumi na lalo pang nagdagdag sa pollution sa ilog.

Nakatanggap ng tip ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) na maraming nag-aalaga ng baboy sa Barangay 649 sa Ermita, Manila at ang mga dumi ng hayop ay deretso sa ilog.

Nagsagawa ng inspection ang mga tauhan ng PRRC sa lugar at tama ang tip na maraming nag-aalaga ng baboy sa pampang ng ilog. Konkreto at bakal ang illegal pigpens. Mismong ginawa ang pigpens sa tapat mismo ng ilog para madali ang paglilinis sa mga dumi ng baboy.

Nasorpresa ang mga naninirahan sa lugar sa pagdating ng mga taga-PRRC at mga pulis. Agad winasak ang mga kulungan. Dinala ang mga baboy na umaabot sa 500. Wala namang inabutang may-ari ng mga baboy sapagkat mayroon na umanong nakapag-tip na sasalakayin ang illegal pigpens.

Pagbayarin ang mga nagpaparumi sa Ilog Pasig. Kastiguhin naman ang mga barangay captain na inutil sa kanilang nasasakupan. Wala silang ginagawang aksiyon sa mga lumalason sa ilog. Kawawa naman ang ilog na patuloy na binababoy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with