^

PSN Opinyon

Handang magpakulong

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HANDANG magpakulong daw si Thomas Triomphe, ang pinuno ng Sanofi Pasteur sa Asia Pacific, kung mapatunayang may sinuhulan, may kumita o may naganap na katiwalian sa pagbili ng Pilipinas ng Dengvaxia. Iginiit niya na laging sinusundan ng kumpanya ang mga batas ng bansa. Sa patuloy na imbistigasyon sa Dengvaxia, lumalabas na kasi ang mga akusasyon na tila minadali ang pagbili at pagbigay ng bakuna sa daanglibong mga bata, kahit hindi pa siguradong ligtas ang bakuna, kaya baka may naganap na korapsyon. Natural na may mga akusasyon, ngayong inilabas ng Sanofi Pasteur ang kanilang babala para sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Inamin din kasi ni Dr. Hilton Lam, miyembro ng Formulary Executive Council (FEC), na binayaran siya at ang buong FEC ng Sanofi Pasteur para gumawa ng pag-aaral sa “cost effectiveness” ng Dengvaxia sa Pilipinas. Ang FEC ang nagsasabi kung anu-anong mga gamot ang puwedeng bilhin at gamitin ng gobyerno. Kaya tila hindi raw maganda tingnan kung ang lumikha ng bakuna ang nagbayad din para gawin ang pag-aaral. Pero pinayagan daw si Dr. Lam ng komite na gawin ang pag-aaral. Tila walang pinagkaiba iyan sa mga kandidato na nagbabayad sa mga gumagawa ng pagsusuri tuwing kampanya. 

Nagpahayag naman si President Duterte na ayaw niyang manghusga kung sino ang dapat managot sa kontrobersyal na isyu. Ayon pa sa Presidente, hindi daw dapat ibintang kaagad sa bakuna ang mga sinasabing namatay. Ipinauubaya na niya sa Kongreso ang imbestigasyon, o sa isang “independent body”. Hindi rin niya sinisisi si dating DOH secretary Garin dahil may mabuting intensiyon na sugpuin ang dengue para ipatupad ang programa ng pabakuna noong panahong iyon. Kontra ito sa dami ng mga naghahanap kung sino ang puwedeng managot, o sabihin na natin, bitayin, sa isyu. 

Sa ngayon wala pa akong alam na ibang bansa kung saan aprubado ang paggamit ng Dengvaxia ang ipinatigil din ang pagbigay o pagbenta nito. Ang Pilipinas at Brazil ang nagpatupad ng pambansang programang pabakuna, pero mas konti ang nabigyan sa Brazil kumpara sa Pilipinas. Patuloy pa rin ang paggamit ng Dengvaxia sa Brazil. Nabanggit ko na noon, ang mahalaga ay mabantayan ang mga nabigyan na bata. Kung maraming naniniwala na nalagay sila sa panganib, mahalaga ang mabantayan sila nang masinsinan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with