^

PSN Opinyon

Doxycycline: Panlaban sa leptospirosis

DOC WILLIE - Pilipino Star Ngayon

ANG leptospirosis ay sakit na nakukuha sa ihi ng daga. Kapag may sugat ang iyong paa at lumusong ka sa baha, posibleng pumasok ang leptospirosis bacteria sa iyong katawan. Makukuha rin ang leptospirosis sa maruming putik, sa bukid at sa kontaminadong swimming pool.

Sintomas ng leptospirosis ang matinding sakit ng ulo at sakit ng katawan. Nakararanas din ng paglalagnat at paninilaw ng mata. Lumalabas ang sintomas ng leptospirosis pagkaraan ng 2 hanggang 30 araw pagkalusong sa baha. Matindi ang komplikasyon nito. Puwedeng masira ang bato, atay, puso, baga at utak. Kadalasan ay ang bato ang tinatamaan at umaabot ang sakit sa kidney failure at dialysis. May 20% ang namamatay kapag tinamaan na ng kidney failure.

Paraan para umiwas sa leptospirosis: 1. Huwag lumusong o maligo sa baha. Umiwas sa putikan at maruming swimming pool; 2. Magsuot ng bota at gloves bago lumusong sa baha; 3. Kung hindi makaiwas sa baha, maglinis agad ng paa at katawan.

Doxycycline para sa leptospirosis:

Heto ang tamang pagbigay ng doxycycline para sa mga lumusong sa baha.

1. Isang beses lang lumusong sa baha at walang sugat sa paa. Uminom ng doxycycline 100 mg capsule, 2 capsule sa maghapon sa loob ng 1 araw lamang.

2. Isang beses lang lumusong sa baha at may sugat sa paa. Uminom ng doxycycline 100 mg capsule, 2 capsule sa maghapon sa loob ng 4 na araw.

3. Tuluy-tuloy ang paglusong sa baha. Uminom ng doxycycline 100 mg capsule, 2 capsule sa maghapon, isang beses lamang bawat linggo. Mababawasan ang tsansang magkaroon ka ng leptospirosis ng 50%.

4. Kung ika’y nagkaroon na ng sintomas ng leptospirosis (lagnat, sakit ng ulo), pumunta agad sa ospital ng gobyerno. Ka­ilangan kang ma-iniksyonan ng antibiotic sa loob ng 4 na araw ng pagkakasakit. Kapag hindi nabigyan ang pasyente ng antibiotic sa loob ng 4 na araw, posibleng hindi na gumaling ang leptospi­rosis at magtungo ito sa kidney failure, dialysis at pagkamatay. Kaya kapag ika’y nilagnat, magpatingin na agad sa doktor.

Iba pang gamit ng doxycycline: Ang doxycycline ay gamot din sa pulmonya, impeksyon sa ihi at sexually-transmitted diseases. Puwede ang doxycyline para makaiwas sa malaria. Iniinom ang doxycycline 100 mg capsule, isang capsule sa isang araw, mula 2 araw bago pumunta sa lugar na may malaria hanggang sa 4 na linggo makaalis sa lugar.

Paalala: Huwag painumin ng doxycyline ang mga batang edad 8 pababa, mga buntis at mga nanay na nag-breast feeding­. Tandaan na kailangang kumunsulta sa doktor bago uminom nitong gamot. Good luck po.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with