^

PSN Opinyon

Where there’s a will

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

APROBADO na ng dalawang Kapulungan ng Kongreso­ ang pagpapalawig ng isang taon sa martial law sa Min­danao. Walang oposisyunistang nakaporma. Kasi nga, iyan ang gusto ng Pangulo, at kahit sandamakmak pang probisyon ng Konstitusyon ang gamitin sa pagtutol sa martial law ang gusto ng nasa kapangyarihan ang mangi­ngibabaw.

If there is a will, there is a way, sabi nga ng lumang ka­sa­bihan. Binigyan lamang ng tig-isang minute ang mga kontra para ipaliwanag ang kanilang “no” votes at kapansin-pansin na habang nagsasalita ay agad silang binabara at pinata­tapos ng chair.

Giit ng Malacañang sa joint session ng Kongreso, may basehan sa Konstitusyon para magkaroon ng extension ang pag-iral ng Martial Law sa Mindanao. Ito ang po­sis­yon nina Executive Secretary Salvador Medialdea. Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, Defense Sec. Delfin Lorenzana sa joint session ng Senado at Kamara.

Kinontra naman ni Senate Minority Leader Franklin Dri­lon ang depensang ito ng Malacañang. Katuwiran ni Drilon, ang martial law ay para lamang sa aktuwal na rebelyon at hindi sa banta nito. Sa dating Konstitusyon nga naman bago baguhin ng 1987 Constitution, sa banta pa lamang ng rebelyon ay puwede nang mag-martial law ang Presidente.

Ang dahilan kung bakit binago ang lumang Constitution ay upang maiwasan na ang pang-aabuso ng sino mang maluklok na leader para magdeklara ng martial law dahil­ sa makasariling interes. Dahil diyan ay tinanggal ang “immi­nent danger” provision ng dating Karta ng bansa. Kaila­ngan ay may aktuwal na rebelyong nagaganap bago makapagdeklara ng batas military.

Ngunit para sa Malacañang, hindi lang banta ng rebel­yon ang nakaumang sa bansa kundi “continuing actual rebellion.” Kung Pangulo na ang may ganyang paninindigan, paano mo nga naming makokontra?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with