^

PSN Opinyon

‘Palpak na bakuna, sino ang may sala?’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ACCOUNTABILITY ang naging sentro ng imbestigas­yon ng blue ribbon committee sa pangunguna ni Senator Richard Gordon tungkol sa isyu ng Dengvaxia vaccine.

Ang tanong ng sambayanang Pilipino ngayon, sino nga ba ang may pananagutan sa nangyaring ito? 

Kahapon sa aking programang Bitag Live ay naka­usap ko mismo si Senator Gordon. Maging­ siya ay kum­­binsido na may malaking pagkakamali sa nang­yaring­ proseso­. Bukod sa hindi ito pinag-isipan at pinlano­, mina­dali pa ito.

Iisa lang naman ang tinuturong may sala ng mga ebi­densiya. Sino pa ba? Walang iba kundi yung mga taong may hepa, as in mga dilawan.

Mantakin niyong sa loob lang ng 29 days pumasa na ang vaccine na ito at agad na ikinalat at sa buong bansa. ‘Di pa nga aprubado, may budget na! Mahigit 700,000 na kabataan ang nabakunahan noong Abril 2016, na ngayon ay nalalagay sa alanganin ang mga buhay.

Marami tuloy ang nagtatanong kung bakit minadali­ ng administrasyong dilawan ang paglabas ng pondo at pagbabayad ng buong P3.5 billion sa Sanofi para sa Dengvaxia­? Full blown epidemic ba ang dengue noon kaya binilisan­ ang pagbabakuna?

O baka naman may hinahabol na panahon para ma­ilabas ang pera at magamit sa iba (eleksyon)? Inamin pa nga ni dating DOH chief Paulyn Ubial na maging siya ay tutol ipatupad ang programa dahil panahon iyon ng eleksiyon pero hindi siya pinakinggan at ipinilit pa rin ng mga hinayupak.

 Dagdag pa ni Ubial, hindi dapat pinaghahalo ang usaping medikal at politikal. Eh anong ginawa n’yong mga taran@&#%^*! dilawan kayo? 

Eto pa, ibinulgar din kahapon mismo ni Sen. Gordon na saksakan ng kurakot ang kumpanyang Sano-pay (Sanofi) na ang trabaho ay suhulan ang kanilang mga kliyente mula sa iba’t ibang bansa para yakapin at tangkilikin ang produktong kanilang inilalako.

Wala naman daw masama kung nakipagkita si P-Noy (dalawang beses pa nga) sa kolokoy na kumpanya. Pero sana raw ay may nagsabi man lang sa Presidente ng kredibilidad ng kumpanyang ito bago nagsarado ng transaksiyon. Eh teka, kung nagawang manuhol ng Sanofi sa malalaking bansa tulad ng China at America, maging sa Africa, binayaran din ba nila ang kanilang mga katransaksiyon sa Pilipinas? (Nagtatanong lang) 

Ang paulit-ulit na punto ng Bitag, sige, maaaring pumasa ang bakuna sa Food and Drugs Administration ng ibang bansa at doon isinagawa ang testing. Pero kung paano ang tamang paggamit ng vaccine na ito, dun nagkaproblema.

Ni-wala ngang nangyaring public consultation or public hearing manlang in medical field tungkol dito. Tapos parang kabuteng bigla na lang sumulpot ‘yang vaccine na ‘yan. Kahit yung ibang mga doctor na mismo, nagulat na may ganyan palang binabakuna sa mga bata.

Ika nga ni Senator Gordon, “DOH functions to protect the public from bad medicine. DOH is for public health.” Pero sanangyaring ito, sa gobyerno pa mismo nagsimula ang problemang pangkalusugan. Sila pa ang naging dahilan para mahirapan ang sambayanan.

Katakot-takot na sisihan ang naririnig natin tungkol sa isyu naito. Kaliwa’t kanangpatutsadahan kung sino ang tunay na may kasalanan. Siguradong sandamakmak na kaso ang isasampa samga sangkot sa anomalya at kontrobersiya. 

Pero sa likod ng mga ito, ang importanteng tanong na dapat sagutin dito ay kung paano ang mga kabataang walang kamalay-malay na nabakunahan? Dahil sa usaping ito sila ang mga tunay na biktima ng Dengvaxia.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with