PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Martial law extension labag sa konstitusyon

AYON sa mga tumututol sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao, labag ito sa probisyon ng 1987 Cons­titution. Ngunit wika nga, kahit labag sa Saliganbatas ay maaaring gawin ng isang determinadong leader. Sabi nga sa Ingles, there are many ways to skin a cat. Isa ring kasa­bihan ang if there is a will, there is a way.

Ayon kay Rep. Edcel Lagman maari lamang palawigin ang batas militar kung nalalagay sa matinding banta ng panganib ang taumbayan, at sa oras ng pananakop at rebelyon. Noong panahon ni Ferdinand Marcos, ginawang dahilan ang communist insurgency o rebelyon sa pagdedeklara ng martial law na tumagal ng dalawang dekada.

Ngayon, idineklara ni Presidente Duterte ang batas­ militar sa Mindanao dahil sa pananalakay ng mga tero­ristang Maute. Marami ang kumuwestyon dahil hindi na­man daw rebelyon ang pananalakay ng Maute-ISIS group dahil ito’y terorismo na puwedeng harapin ng pulisya nang hindi kailangan ang batas militar.

Kaso, pormal nang idineklara ng Pangulo ang pakikidigma sa CPP-NPA. Naiisip ko lang, parang paghahanda ito sa mga scenario na magbibigay ng hustipikasyon sa deklarasyon ng martial law, di lamang sa Mindanao kung buong bansa.

Sinabi ni Lagman, ibinasura ng Saligang Batas  noong 1987 ang  banta ng ‘imminent danger of rebellion or invasion‘ para gawing basehan sa pagdedeklara ng batas militar. Kaya nga malamang, ang hinihintay na mangyari ngayon ay ang aktuwal na panggugulo ng mga komu­nista o mga terorista para makapagdeklara ng martial law.

Una sinabi ng PNP at AFP na kailangan pa ang isang taong panahon para sa pagpapairal ng martial law sa buong rehiyon ng Mindanao upang matugunan ang banta ng terorismo partikular na para matuldukan ang New People’s Army (NPA) terrorists, Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at iba pang grupong banta sa pambansang seguridad. Batid siguro ng adminstrasyon ng wala ngang dahilan ara magdeklara ng martial law kaya maaari naming gumawa ng dahilan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: