^

PSN Opinyon

Hindi taga-balita ang social media

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MARAMING millennials ang nalilito. Palibhasa’y hindi nasanay ang henerasyon nila na magbasa ng dyaryo o humalaw ng balita sa TV o radio, umaasa sila masyado sa social media. Ilang beses ko nang narinig sa mga kaba­taan: “Sabi sa Facebook walang pasok sa (petsa), pero bakit wala pang announcement sa dyaryo at TV?” O kaya’y, “Sabi sa YouTube panalo na ang Islamic State sa (pangalan ng bansa), pero bakit hindi pa binabalita sa print at broadcast?”

Simple ang sagot. Na-“fake news” sila. Hindi news outlets ang Facebook o YouTube. Gan’un din ang Google o Twitter. Mga platforms lamang sila para sa mga indi­bidwal o grupo, kumpanya o ahensiya ng gobyerno, para magpaabot ng kani-kanilang mensahe. Pero hindi ibig sabihin ay totoo ang mensahe. Maaring ordinaryong tsismisan lang ang isang group account sa Facebook, o propaganda (halimbawa, ng Islamic State) ang isang blog sa YouTube. Maaring papuri sa sarili lang ang isang post sa Twitter, o pang-raket ang isang website sa Google.

Iba ang propesyonal na news outlets. Kinasusuklaman­ nila ang fake news. Tungkulin nila mangalap ng totoong balita tungkol sa mga tao, pook, at kaganapan, at ilahad ito nang malinaw. Di tulad sa social media na kahit sino ay puwedeng mag-post, sa dyaryo at radio-TV ay maraming sumasala ng impormasyon bago ilathala o i-ere. Ang kolum ko na ito ay dumadaan sa Opinion Editor at copyreader, para tiyakin na tumpak ang impormasyon, at wasto ang spelling at punctuation; nananagot kaming tatlo sa Editor-in-Chief, na nananagot sa kumpanya.

Sa social media, maaring walang pananagutan ang nag-post na indibidwal o grupo, kumpanya o ahensiya.

Hindi ko sinasabing walang fake news sa dyaryo o radio-TV. May mga publications na sadyang pang kababalaghan; halimbawa, ang National Enquirer sa America. Kapupulutan ito ng “balita” tungkol sa tao na isinilang kakambal ang buwaya, o misis na ginahasa ng taga-Mars.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with