^

PSN Opinyon

Ang tiyuhin kong rapist

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling Bahagi)

SA paglilitis, tumestigo at isinalaysay ni Lisa ang mapait niyang sinapit sa kamay ng tiyuhin. Tumestigo rin para sa kapatid si Ana. Itinanggi naman ni Bruno ang nangyari at nag-alibi na nasa bahay siya ng isang barkada at nakikipag-inuman hanggang alas-tres ng madaling araw. Nang magising daw siya ay hindi naman niya napansin si Lisa. Sinampahan lang daw siya ng kaso dahil sa naging away niya sa kapatid na si Lina na siyang nanay ni Lisa.

Napatunayan ng hukuman na talagang ginawa ni Bruno ang paghalay sa pamangkin. Hinatulan siya ng reclusion perpetua at pinagbayad ng danyos --perwisyo at civil indemnity. Positibong itinuro ni Lisa si Bruno na humalay sa kanya at napatunayan ito sa medical fin-dings ng doktor.

Kinuwestiyon ni Bruno hanggang sa Supreme Court ang hatol. Hindi naman daw tumanggi si Lisa sa nangyari sa kanila kaya hindi ito rape. Tama ba siya?

Hindi. Ayon sa Supreme Court, hindi naman hinihingi ng batas na patunayan ng biktima na tumanggi siya sa rape. Hindi ito kasamang element sa rape. Dahil hindi nakuhang sumigaw o makapanlaban ng biktima ay hindi ibig sabihin na pumapayag na siya sa rape. Iba’t iba ang reaksiyon ng mga rape victim. Ang iba ay nakukuhang lumaban pero ang iba ay kusang nagpapaubaya na lang dahil sa takot.

Sa kasong ito ay halatang natatakot si Lisa kay Bruno. Normal lang itong mararanasan ng isang bata sa mga nakatatanda sa kanya dahil nga sa impluwensiya nito. Sa katunayan nga. kinatatakutan ni Lisa na sina Max at Bruno dahil madalas siyang sigawan at sipain ng mga tiyuhin. Nanginig ang dalagita dahil sa matinding takot at hindi na niya nakuhang makapanlaban sa ginawa sa kanya. Hindi kailangang patunayan na nakuha pang lumaban sa rape ang isang disisais anyos na dalagita kung saklot na siya ng matinding takot lalo na’t tiyuhin ang mismong rapist niya.

Sa katunayan, nakabigat pa sa sentensiya ni Bruno ang relasyon nito bilang tiyuhin ni Lisa dahil sa third degree of consanguinity alinsunod sa Art. 266 – Revised Penal Code. At 16 na taong gulang lang si Lisa. Kaya dapat nga ay kamatayan pa o death penalty ang parusa kay Bruno. Iyon nga lang, dahil sa pagpasa ng RA 9436 na nagsususpinde sa death penalty, reclusion perpetua na lang ang hatol kay Bruno pero hindi siya puwedeng magkaroon ng parole. Dapat ding itaas ang indemnity at moral damages na kanyang babayaran (People vs. Palanay, G.R. 224583, February 1, 2017).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with