^

PSN Opinyon

Buhaying muli ang death penalty

KUNSABAGAY - Tony Katigbak - Pilipino Star Ngayon

SANHI ng kabi-kabilang patayan, nakawan at laganap na droga nasisira ang pangarap ng ating mga kabataan. Siguro oras na upang muling isa batas ang death penalty sa ating bansa. Kung naipapatupad lamang ang batas na ito matatako’t gumawa ng krimen ang sinuman. Kung naaalala n’yo inabolish ito kung panahon ni Ex- Pres. Gloria Arroyo at ngayon ay balak muling isabatas ni Pres. Digong Duterte.

One hundred percent akong sumasang-ayon sa pagbabalik ng death penalty sa ating bansa. Hindi na biro ang krimen na laganap ngayon, ang drogang hindi maubus-ubos at ang hindi masawalang mga kawatan  isama na rito ang mga budol-budol gang. Halos araw-araw na laman ng telebisyon at mga  pahayagan ay hindi natin nagugustuhan kaya ang pagbabalik na lang siguro ng death penalty ang tanging solusyon upang mahinto ang ganitong klase ng krimen. May masampolang isa sa kanila tingnan n’yo pag di tumigil ang mga yan.

Ngayong laganap ang iba’t ibang klase ng krimen dahil ang akala ng mga  criminal ay mahuli man sila at maparusahan ay marami pa rin magagawang paraan para sila ay makalaya, o kaya naman ay hindi na sila aabot sa kulungan basta’t palalakarin lang nila ang pera lalo na sa droga pera ang lumalakad diyan milyones kaya walang nahuhuling drug lords dahil pati matataas na opisyal ng gobyerno ay nakikinabang sa pera ng droga.

Sana maliwanagan na ang pag-iisip ng ating mga kababayang tutol sa death penalty lalo na ang Simbahang Katoliko na ang tanging solusyon na lang ng problema natin ay ipatupad ang death penalty. Ako ay sagradong Katoliko sa bagay na ito ay magkaiba kami ng paniniwala. May nabasa nga ako sa Bibliya na kasabihang “An eye for an eye” at naniniwala ako rito.

Huwag tantanan ng mga kaalyado ni Pres. Digong sa kongreso na buhayin uli ang death penalty.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with