^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bakit walang ‘big fish’ na nalalambat?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bakit walang �big fish�  na nalalambat?

TANONG ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, bakit walang nahuhuling “big fish” na Filipino-Chinese na nagpapasok ng droga sa bansa? Bakit daw pawang maliliit lamang na drug suspects ang nahuhuli ng mga awtoridad.

Ang komento ni Carpio ay naibulalas sa pagpapatuloy ng oral argument laban sa petisyon ng Philippine National Police sa kanilang “Oplan Double Barrel” at sa DILG’s “Masa Masid”, kamakailan.

Sabi ni Carpio, nakapokus lamang umano ang anti-drug campaign sa mga maliliit na tulak ng shabu samantalang ang mga big time drug syndicate na binubuo ng Filipino-Chinese ay hindi naman nahuhuli at bagkus ay nagpupuslit pa ng droga sa bansa. Sa haba raw ng panahon ng kanyang pananatili sa korte, pawang malilit na drug pushers ang nako-convict at isa pa lamang na pipitsuging Chinese-Filipino ang naipakukulong. Wala raw silang nako-convict na big time drug syndicate.

Binatikos din ni Carpio ang kawalan ng kakayahan ng port authorities na mapigil ang pagpasok ng droga sa bansa. Ginawa niyang halimbawa ang pagkakapuslit sa bansa ng P6.4 bilyong shabu sa Bureau of Customs noong nakaraang Mayo.

May katwiran si Carpio na sabihin ang mga ito. May katotohanan ang kanyang mga sinabi na pawang maliliit na drug pushers lamang ang nahuhuli at walang malalaking “isda”. Mas matindi pa nga na pawang pipitsugin ang mga napapatay noong nasa kasagsagan ang drug campaign. Mayroong mag-amang drug suspect sa Pasay ang hinuli ng mga pulis at makaraan lamang ang ilang sandali ay natagpuan nang patay. Nanlaban daw ang mga ito. Ang kontrobersiyang ito ang dahilan kaya nabatikos ang Duterte administration sa isyu ng extrajudicial killings (EJKs) at paglabag sa karapatang pantao. Ito rin ang dahilan kaya isinalin sa PDEA ang drug war.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni President Duterte na ibabalik na sa PNP ang drug war pero  ang PDEA pa rin ang lead agency. Kung kasama na uli ang PNP sa drug war, sana nagkaroon na sila ng lesson. At sana rin, makahuli na sila ng “big fish” at hindi mga pipitsugin o uhugin lamang na drug suspect.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with