^

PSN Opinyon

Dengvaxia laking disgrasya

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SANGKATERBANG madlang pinoy ang nangangatog sa takot matapos kumalat ang kontrobersyal na balita tungkol sa gamot kuno na Dengvaxia.

Sabi nga, disgrasiya.

Ang disgrasiya este mali Dengvaxia pala ay isang uri  ng basura este mali bakuna pala na panlaban daw sa mga may sakit na dengue mula sa kagat ng lamok na carrier nitong nakakatakot at nakakamatay na sakit.

Ika nga, killer mosquito!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may 730 million madlang children mula 9 years old pataas ang nabakunahan ng Dengvaxia sa iba”t-ibang public schools sa Central Luzon, Calabarzon at Metro-Manila.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, tuliro diumano ngayon ang isang buntis na lady cop  dahil  isa siya sa nabakunahan ng Dengvaxia kaya naman hindi siya mapakali ng mabalitaan ang kontrobersyal na issue.

‘Sangkaterba ang libreng nabakunahan ng disgrasiya este mali Dengvaxia pala kaya ang mga nainiksyunan ay naaaning este mali kinakabahan pala sa nabalitaan nila.’ sabi ng kuwagong mananakot.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may kabuuang 1,332 na pulis at kanilang pamilya ang sumailalim sa ‘free dengue shots’ na Dengvaxia noong September.

Huwag na natin sabihin pa ang lugar!

Ang Dengvaxia pala ay gawa ng Sanofi Pasteur na kauna-unahang dengue vaccine sa buong mundo.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Sinasabing ligtas daw at nakapagbibigay umano nang proteksyon ang Dengvaxia kung itutusok este mali ituturok pala sa dating nagkasakit ng dengue, pero maaari namang magdulot diumano nang mas malalang dengue infection kung ibibigay sa hindi pa tinamaan ng saksi este sakit pala.

‘Ano ang mainam gawin tungkol sa isyu ng Dengvaxia?’ tanong ng kuwagong nangangatog ang tumbong.

Sagot -isauli ito at bawiin ang pinambili dito!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, P3.5 billion halaga ang nagastos ng gobierno sa Dengvaxia.

Bukod sa isyung ito pinaiimbestigahan ng Malakanyang sa NBI sina P.Noy at dating Health Secretary Janet Garin, et al tungkol sa Dengvaxia vaccine ng Sanofi.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with