PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘May pera sa bakuna’

Bago malunod sa kumunoy ng Dengvaxia controversy ang mga Pilipino at para sa mga taga-subaybay ng kolum na ito at ng aming mga programa, himayin natin ang ilang punto sa isyung ito.

Maituturing na isang pasabog sa mukha mismo ng mga dilawan ang kontrobersiya ng P3.5 billion modus ng dengue vaccine na Dengvaxia. Nalalagay ngayon sa panganib ang daang libong batang Pilipino na hindi pa nadadapuan ng sakit na dengue na naturukan ng bakunang ito. 

Ang mga tanong, wala pa pala itong clearance sa World Health Organization, hindi dumaan sa tamang proseso ng testing at public hearing ay bakit nangyari ito? Bakit patagong ipinatupad ng gobyerno ni Noynoy ang pagpapabakuna sa higit 700,000 Filipino children noong 2015?

Bakit minadali ng administrasyong dilawan ang paglabas ng pondo at pagbabayad ng buong P3.5 billion sa French pharma na Sanofi para sa Dengvaxia? Full blown epidemic ba ng dengue noon kaya binilisan ang pagbabakuna? O may hinahabol na panahon para hindi maabutan ng election ban para mailabas ang pera at magamit sa presidential election fund ng LP?

Baka naman kaya nagmamadali si dating Pres. Noynoy Aquino back then ay dahil nangangarag din siyang makakuha ng kredito bilang last term niya sa posis­yon kung kaya’t pinilit na gawing health program ang Dengvaxia? Maaaring pumasa ang bakuna sa Food and Drugs Administration ng ibang bansa at doon isinagawa ang matagumpay na pagsusuri subalit nasaan ang resulta ng testings sa Pilipinas?

Ngayon ay umiikot ang tumbong ng mga spin doctors o PR men para isagawa ang damage control campaign sa kaguluhang ito. Aminin na natin, sa panahon ni P-NOT nagkulang,  minadali ang “bakuna” kaya naging maanomalya. Ang laki talaga ng pera sa bakuna hane, saan n’yo naman dinala ang pera aber??? 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dapat managot agad ang mga nagkamali at mga nakinabang sa putris na anti-dengue virus kuno! Oh kayong mga mahilig bumatikos diyan, ipagtanggol ang kampo n’yo!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: