PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Fisher

BUKAS ay magtitipon sa ganap na alas-sais ng gabi sa B Hotel sa Scout Rollos Quezon City ang tinatayang 100 Christian leaders at iba pang faith-based organizations para sa paglulunsad ng samahang Faith International Society of Hope for Empowerment and Renewal (FISHER).

Ayon kay Rev. Joey Umali, president of FISHER, Inc. at kolumnista natin sa pahayagang PM (Pang-Masa), ang samahan ay isang non-profit, ecumenical organi­zation na naglalayong tulungan ang mga iglesia ng iba’t ibang denominasyon para sa pagpapalaganap ng ebang­helyo ni Jesu-Cristo. Napapanahon ito dahil higit kailanman, kailangan ng ating magulong daigdig ngayon ang ebanghelyong nagpapabago sa puso ng tao mula sa kasalanan tungo sa kabanalan.

Sa mga interesadong dumalo, makipag-ugnayan kay Pastor Umali sa, 0917-887-0430; 376-4341.

Ang FISHER Inc ay mayroon nang labing-apat na katuwang para maisakatuparan ang misyon nito. Ang mga partners na ito ay binubuo ng Alay-Balay Develop­ment­ Corp., Anna’s Home for Widows Foundation, Chris­tian Action for Reconciliation and Evangelism Phi­lip­pines; Church Strengthening Ministry, CityMall, Convoy of Hope Philippines, Cooperative Development Autho­rity, March for Jesus Movement, Norwegian Mission Alliance Philippines, NutriWealth Cooperative, Philippine Bible Society, Community of Independent Churches in the Philippines at ang Strategic Leader Development Center of the Asian Theological Seminary.

Bukod kay Pastor Umali, ang mga opisyal ng FISHER Inc ay sina Mr. Jovito J. Sermonia, Jr., Board of Trustees chairman; Pastor Guillardo V. Pabustan; vice-president; Rev. Cornelio T. Corrales, treasurer; Atty. Plaridel V. Mateo, corporate secretary; Ms. Gala M. Castro, auditor; at Mr. Jimmy I. Samonte and Ms. Nerissa N. Calma, PRO.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: