^

PSN Opinyon

Alamin lahat ng impormasyon

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LAMAN ng balita at usapin ang Dengvaxia, ang bakuna kontra-dengue na kailan lang ay inanunsyo ng kompanya na lumikha nito na kung hindi pa nagkakaroon ng dengue at nabigyan ng bakuna, maaaring mas malubhang sintomas ang maranasan kapag nagkasakit. Higit 700,000 bata na ang nabigyan ng unang bahagi ng bakuna sa ilalim ng programang pabakuna ng gobyerno. Dahil sa anunsyo ng Sanofi Pasteur, ang paniniwala ay maaaring nalagay sa peligro ang mga bata.

Ang hindi kailangan ngayon ay magtanim ng takot. Ang dapat gawin ay alamin ang lahat ng nabigyan ng bakuna, at bantayan kung may mangyari na may kaugnayan sa nasabing pagbigay ng bakuna. Sa ngayon ay wala pang nauulat na masamang epekto ng bakuna, kontra sa paha­yag ng ilan diyan na may tatlong namatay na raw. Pinabulaanan na ito.

Sa pag-imbestiga naman ng programa, mabuti nang alamin na muna ang lahat ng impormasyon, para sa ikabubuti ng lahat. Bago inaprubahan ang paggamit ng bakuna sa Pilipinas, inaprubahan ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng Dengvaxia. Kaya dito dapat magsimula ang imbestigasyon. Kailangang malaman kung bakit inaprubahan ng WHO ang Dengvaxia, kung may babala pala, o kung hindi pa kumpleto ang impormasyon hinggil sa bakuna. Alam ba kaagad ng Sanofi Pasteur ang mga peligro na dulot ng pagbigay ng bakuna sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue? Sapat ba ang kanilang pag-aaral at pag-testing ng Dengvaxia? Bakit inaprubahan ng WHO kung may probema pala, o may mga kundisyon sa pagbigay ng bakuna?  

Hindi lang ang Pilipinas ang gumamit na ng Dengvaxia. Labing-isang bansa kung saan laganap din ang dengue ang gumamit ng bakuna tulad ng Thailand, Indonesia, Mexico, El Salvador, Costa Rica at Brazil. Ang intensyon ay para sugpuin ang peligrosong sakit na ito, kung saan libu-libo ang namamatay taon-taon. Kaya pati impormasyon mula sa mga bansa na gumamit na rin ng Dengvaxia ang dapat malaman ng lahat. Ang Brazil ay pinagpapatuloy pa rin ang programa ng pagbigay ng bakuna, dahil wala naman daw masamang epekto na lumalabas hanggang ngayon. Ang Pilipinas pa lang ang nagpatigil sa pagbigay ng bakuna, habang iniimbestigahan ang isyu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with