^

PSN Opinyon

World Class talaga!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Tingnan mo nga naman. Ang ating mahal na Philippines my Philippines, ang nangunang country na pinagkukunan ng mga seafarer o seamen.

Hindi na ito dapat pang pagtakhan dahil noon pa man iba na ang  ‘Marinong Pinoy.’  

Ika nga, masipag sa trabaho at  mapagkakatiwalaan. Alam ko ito dahil ang erpat ko ay dating international ship captain.

Sabi nga, Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa....Amen!

Sa ngayon lang halos 230,000 na ang madlang pinoy ang nakasakay sa mga international merchant vessels. Aba mahigit 25 %  pala ng 1.5 million seafarers sa buong mundo ay madlang pinoy.

Pero dahil sa tumitindi rin naman ang kumpetisyon iba na rin ang mas nahasa sa trabaho. At siyempre magaling pa ang madlang marino sa wikang Ingles.

Sabi nga, Pinoy na naman tiyak ang numberwan!

Kaya naman todo-hataw ang Philippine Centere for Advanced Maritime Simulation and Training Inc .(Philcamsat). Nagtayo pa ito ng isang Maritine Skills /training campus sa Maragondon, Cavite  para lalong gumaling ang ating mga marino.

Sabi nga, ni Maragondon Mayor Rey Rillo, “walastik ito. World Class pala.” 

‘Di naman daw talaga mapapahiya ang kaniyang bayan kahit medyo luklukan ng Cavite dahil  may maipagmamalaking sentro ng  kagalingan para sa ating mga seafarer.

Korek ka dyan, malandi este mali Alkalde pala. Hehehe!

Ito palang Philcamsat ay accredited ng Offshore  Petroleum Industry Training Organization (OPITO) para sa kanilang offshore survival training.

Kaya naman makikita mo sa bayan ni Mayor Rillo  ang training tulad ng  mga advanced firefighting efficiency at maging sa fast rescue boat operation at helicopter underwater escape training. 

Mahigit 130,000 marino na pala ang sumabak sa mga training ng MAST.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana makita na rin ni MMDA chairman Danilo Lim ang ganitong patakaran para naman magkaroon ng kaunting pagbabago sa nakakabuwisit  at nakakapanlumong problema natin sa trapiko araw araw.

Bakit naman? 

Sagot - tinalo pa ang pulis patola ng ating mga traffic enforcer. Nabigyan lang ng uni-porma nagkalat na ng lagim sa kalye. Hehehe!

Hindi nga ako nakakasigurado kung may sapat na training ang mga ito hindi lamang sa batas trapiko, kundi para disiplinahin ang mga drayber at kanilang sarili.

‘Isipin mo na lang talamak na sa diumano’y pangongotong sa pang-araw-araw, hindi mo pa mapakinabangan sa gitna ng trapik? ‘sabi ng kuwagong SP0 - 10 sa Crame.

Ayon nakaabang sa tabi ng traffic light. Mas grabe ang mangyayari kung sila mismo ang nagmamando. Lalong humahaba ang trapik.

Tanong - bakit kaya hindi balikan ni Gen. Lim ang problema sa disiplina?

Hanggang ngayon walang sumusunod sa pedestrian lane sa mga drayber. Sa buong mundo, sa Philippines my Philippines lang ang garapal na nakikipag-unahan sa mga tumatawid sa kalye. Dapat tigil muna sila kung may tumatawid. Dito pipinahan ka pa. Tama ba, General Lim, Your Honor?

Kung sa tumatawid abusado na sila, lalo naman kung tingnang kaliwa’t - kanan ang swerving sa kalye. 

Ayon ang magiting na MMDA traffic enforcer,  nakanganga lang at kung minsan ay nagti-text pa. Hehehe!

Ang kanilang pag-iinitan na lang yung mga mahaharang nila sa kalye para sitahin sa mga traffic violation kuno. Mabuti kung naibabato ang kolekyon sa kabang bayan. Inuuna pa nila ng kabang-bulsa nila.

Sabi nga, subsub marino rin, hindi ba?  Pero sa kawalanghiyaan nga lang. Hehehe!

Abangan.

Laong-Laan Masonic Lodge 185

TAPOS na ang laglagan este mali election pala last Saturday afternoon sa Capitol Masonic Temple dyan sa Matalino St., Q.C, para sa year 2018-2019 new set of erection este elected pala officers ng LLML - 185! 

Anyway, tapos na ang hangalan este halalan pala nagwagi sina incoming Worshipful Master Bro Wally Sumilang, Senior Warden Bro. ro. Kurt Muller at Junior Warden Bro. Ernie Ligon.

Ang bagong hangal na Secretary ay si Bro. Louie Cruz at ang treasurer ay si Bro. Eric Valbuena.

Congrats, brethren!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with