^

PSN Opinyon

Gobierno tinuruan ng leksyon si Maria Isabel Lopez

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

T-back este mali tigbak pala ang driver’s license ni Maria Isabel Lopez ng kanselahin ito ng LTO dahil sa pag­libag este paglabag pala sa traffic and security protocols nang pasukin nito ang ASEAN lane last month.

Sabi nga, dehins na puedeng mag-drive ng tsikot si Isabel sa loob ng two years dahil ito ang ipinataw sa kanya ng government of the Republic of the Philippines my Philippines.

Ibinulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi naman for life ang penalty ng LTO kay Isabel, 2 years lamang  ang driver’s license suspension nito at pagtapos ay puede na siyang mag-applay for new driver’s license.

Naku ha!

‘Kaawa-awa naman, sino ang LTO?’ anang kuwa­gong hilo.

‘Hindi si Isabel.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gustong ipaalam ng gobierno sa madlang people of the Philippines my Philippines na ‘No one is above the Law.’

‘Kaya hayun binigyan si Isabel ng penalty!’

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bukod sa suspension of driver’s license pinagbaligtad este mali pinagmulta pa pala si Isabel ng P8,000 dahil sa tatlong traffic violations.

Sabi nga, disregarding traffic signs, reckless driving at paglabag sa Anti- Distracted Driving Act.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nag-viral ang video ni Isabel sa social media nang alisin niya ang harang at dumaan sa ASEAN lane na  pansamantalang eksklusibong inilaan para gamitin nang mga delegates ng ASEAN Summit and Related Meetings.

Garbo at dyowa isinabit sa ill gotten wealth

SASAMPALIN este mali sasampahan pala ng NBI ang mag-watot na sina dating retired police general Marcelo Garbo at dyowa niyang si Rosalinda dahil sa ill - gotten wealth.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may P36 million echetera pa ang dapat ipaliwanag ni Garbo kung saan niya kinuha ang mga ito.

Si Garbo ang isa sa mga heneral ng pulisya ang inakusahan ni Boss Digong na sabit sa diumano’y transaction ng illegal drugs operation sa Philippines my Philippines.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with