^

PSN Opinyon

EDSA mistulang mega parking area

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hangga”t hindi sinusubukan nang madlang bright people sa MMDA ang ‘brand names’ ng mga sasakyang dumadaan sa EDSA ay lalo pang lalala ang traffic dito dahil lumiliit ang kalsada sa dami nang mga vehicles na dumadaan dito araw-araw.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, lumala ng todo ang bigat ng traffic sa EDSA dahil muling pinatupad ang nalaos ng yellow lanes, private lanes at motorcycle lanes policy sa kahabaan ng EDSA na naging dahilan ng lalong pagliit ng dadaanan nang mga private vehicles.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagtataka sila kung bakit ayaw subukan ng MMDA ang pagbabawal sa mga brand names kada araw sa mga dumadaan na sasakyan sa Metro - Manila?

Ano kaya ang dahilan?

Sabi nga, subukan ninyo para makita ninyo ang prueba ng mangyayaring kaluwagan sa mga kalsada at kung hindi uubra sa loob ng isang linggo di balik sa ‘number coding’ tutal wala naman mawawala.

Ika nga, wala naman bayad ito? Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa araw ng Lunes suspindihin ng MMDA ang lahat nang klase ng mga sasakyan may ‘brand name’ na Toyota.

Sabi nga, mapa-van, kotse, SUV at mini trucks.

Ika nga, puera  lamang ang taxi dahil sa ‘number coding’ sila isama.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pagdating ng Tuesday ang lahat ng mga sasakyan may ‘brand names’ na Ford, Suzuki at Mazda.

Wednesday - ipagbawal sa daan ang mga sasak­yan Ford at Mitsubishi kapag

Thursday - ipagbawal sa kalye ang mga may ‘brand name’ vehicles na Chevorlet at Hyundai, isama ang mga China made vehicles tulad ng Kaka, Foton at iba pa. 

Friday ang may brand name na Mazda, Nissan at mga imported luxury cars tulad ng Mercedes Benz, BMW, Volvo, Audi, Mini - Cooper, Volkswagen at iba pa.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung may mga sasakyan na nakalimutan ang iba pang brand name bahala na ang mga pa bright, bright  sa MMDA na magdagdag para isama sa mga araw na sinasabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Ang mga public utilities vechiles tulad ng mga bus, taxis at jeepney ang panatilihin ang ‘number coding scheme.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga motorsiklo ay ipagbawal sa kalsada sa pamamagitan ng kulay ng gamit nilang motorcycle dahil karamihan sa mga ito ay wala pang mga plate numbers at tiyak lulusot sa ‘coding scheme.’

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pagdating ng Sabado ang lahat ng sasakyan may odd number sa kanilang mga plaka ay bawal lumabas sa lansangan ng 7am to 2pm at ang mga sasakyan ‘even’ number ay bawal na rin sa kalsada ng 2pm to 8pm.

Sabi nga, kapag ‘Sunday’ free for all walang bawal tulad ng nakagawian.

‘Kapag ito ay sinubukan ni MMDA chairman Lim sa loob ng isang linggo tiyak malaking ginhawa sa madlang people ito.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ika nga, General Lim huwag munang gayahin pa ang mga dating mga MMDA chairman na nagsabing hindi nila ito ipinatupad.

Ang alamin mo bakit sila sinibak sa MMDA?

‘Walang nagawa para resolbahin ang malalang traffic kundi puro praise release lamang at pa pogi sa TV at dyaryo ang ginawa.’

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with