^

PSN Opinyon

Hindi ko patatawarin si Super Mario

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

KUNG lumaganap man ngayon ang krimen sa Region 4-A hindi na ito kataka-taka, kasi nga halos lahat ngayon ng pergalan ay nagbukasan kaya hahakutin na naman ng mga ilegalista ang datung ng mga naghihikahos nating mga kababayan. Kaya nag-uumapaw na naman ang bulsa ng financers/maintainer ng mga hokus-pokus na color games at Hatak Barok na palamuti sa perya­han. Kaya dapat lang na umaksyon si PNP chief Ronald “Bato” dela Rosa sa madaling panahon nang matuldukan na ang pananamantala ng mga ilegalista sa Region 4-A.

At upang maging makatotohanan ang aking tinutumbok narito ang pruweba mga suki. Apat ang lamesa ng color games sa peryahan na matatagpuan malapit sa SM mall sa Bgy. Macabiling sa Sta. Rosa, Laguna. Ipinagmamalaki ng mga financier na sina Mike at Francia na hindi sila kayang tibagin ng mga bataan ni Chief Supt. Mao Aplasca, ang director ng Calabarzon Police dahil may hatag sila sa kolektor nito na si Florence. Ang poste nina Mike at Francia ay si Jun Panganiban na mayabang na rin katulad ng mga amo niya. Si Mike mga suki ay dating tong kolektor din kaya’t abot niya ang kalakaran sa peryahan. Hehehe! Palagay ko maga­ling magtago sina Mike at Francia kaya abo’t langit ang reklamo laban sa kanila. Ano sa tingin n’yo mga suki?

Palagay ko natutulog din sa pansitan ang hepe ng Sta. Rosa na si Supt. Harold Depositar kaya’t palagay ang loob nina Mike at Francia sa ilegal na negosyo nila. Magkano ba Supt. Depositar Sir? Hehehe! Ano pa ba ang bago r’yan? Kung sabagay, hindi lang ang puwesto­ nina Mike at Francia ang nais nating ilapit kay Gen. Aplasca kundi maging itong kay Aling Tessie Rosales na matatagpuan mismo sa Tanay proper sa Rizal. May apat na lamesang color games din at ang hindi maintindihan ng mga suki ko ay nagbulag-bulagan dito si Mayor Rex Manuel Tanjuatco at Supt. Carlito Canlas, ang hepe ng pulisya ng Tanay.

Ang puwesto ni Aling Tessie ay mismo sa harap ng munisipyo ng Tanay at sa himpilan ng pulisya. Bulag, pipi at bingi ba sina Mayor Tanjuatco at Supt. Canlas sa pasugal ni Aling Tessie? Ano sa tingin n’yo mga suki? Ang puwesto ni Aling Tessie ay dating puwesto ni alyas Elvira subalit nasulot s’ya ng una. Teka nga pala! Ang poste ni Aling Tessie ay itong si alyas Perlita, bukambibig si Supt. Canlas. Kay Florence kaya pasok din itong peryahan ni Aling Tessie? Kay Gen. Aplasca ang kasagutan. Sinabi ng mga suki ko na may dalawang puwesto ding peryahan si Aling Tessie sa Batangas at ‘yan ay atin nang pinapaikutan para maiparating din kay Gen.  Aplasca. Matagal nang namamayagpag si Aling Tessie, alias Jessica at Baby  sa Calabarzon subalit hindi sila masupil-supil kaya dapat tuldukan sila ni Gen. Aplasca para lalong gumanda ang tsansa niya na maging chief PNP di ba mga suki? Kababayan ni Digong si Aplasca.

Samantala, nais kong tawagan ng pansin ang mga negosyante diyan sa Cavite na wala akong kinalaman sa mga ginagawa ng isang Super Mario na nag-iikot sa probinsiya gamit ang aking pangalan. Kung dumating sa inyo si Super Mario, please lang mga suki ko diyan sa Cavite magreport kayo sa malapit na himpilan ng pulisya para maaresto ito. Ipinangako ko sa inyo na hindi ko papatawarin si Super Mario na sa tingin ng mga suki ko ay matagal na akong ginagamit sa ilegal niyang gawain. Ano sa tingin mo Mr. Jun Panganiban Sir? Hehehe! Ang dapat kay Super Mario ay makulong para hindi na siya pamarisan, di ba mga suki? Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with