^

PSN Opinyon

Parang malapit nang ibalik sa PNP

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HINDI rin daw mapapangako ng PNP na hindi na magiging madugo ang war on drugs, kung sakaling ibalik sa kanila ang responsibilidad. Pero bakit wala namang maraming napapatay ang PDEA sa kanilang ginawang operasyon? Mga malalaking halagang droga pa nga ang nasasamsam nila, pero walang nagaganap na barilan. Sa kanilang pagsalakay sa isang condo malapit sa Pa­lasyo, nadiskubre na may bantay na pulis pa ang anak ng kilalang drug queen sa loob ng Correctional Institution for Women. May naganap ba na barilan, kung may pagsasanay ang mga pulis na iyan na lumaban?

Tila may gusto na maging madugo ang kampanya ng pulis laban sa iligal na droga. Sa kanyang pananaw, hindi na dapat mabuhay ang mga sangkot sa iligal na droga. Aaminin ko na may mga sangkot sa iligal na droga na patung-patong na ang kasalanan sa lipunan, dahil sa mga buhay na sinira niya, para lamang sa pera. Aaminin ko rin na may mga lulong sa droga na gumanap ng karumal-dumal na krimen at hind pa nahuhuli. Pero paano mo nga malalaman kung sino sila kung hindi magiging maayos ang pag-imbestiga? Ilalahat na lang ba ng PNP, dahil may natutuwa naman sa mataas na bilang ng mga napapatay?          

Para maglabas ng ganitong pahayag ang PNP, tila alam na nila na siguradong ibabalik na ang pamumuno sa drug war sa kanila. May mga plano na raw para sa pagbabago sa panuntunan silang inihahanda. Laman na nga ng mga balita ang pagbalik ng PNP, pati ang PDEA naglabas na ng pahayag na ikinatutuwa nila ang pagbalik ng PNP. Ano kaya kung mga operatiba ng PNP at PDEA ang sabay na magsigawa ng mga operasyon? May manlaban pa rin kaya? Napansin ko na ang hinabol ng PDEA ay ang mga malalaking suplayer ng droga, habang ang konsentrasyon ng mga pulis noong “Oplan Tokhang” at “Double Barrel Reloaded” ay mga mahihirap sa komunidad. Ito ba ang sinasabing babaguhing panuntunan ng PNP? Mga suplayer na ang hahabulin tulad ng nakalusot sa higit P6 bilyong halaga ng shabu na pumasok sa Bureau of Customs galing China, nakalabas ng BOC, at nadiskubre na lang sa isang bodega sa Velanzuela, kung saan ngayon ay wala raw kinalaman at pananagutan ang mga opisyal ng BOC ayon sa DOJ?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with