^

PSN Opinyon

Kaibahan ng bansang mayaman at mahirap

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

HINDI sa tanda nagiging mayaman o mahirap ang isang bansa. Mahigit 3,500 taon na ang Egypt at India, pero pawang mahirap. Pipitsugin ang Canada, Australia, at New Zealand nang isilang mga 150 taon lang ang lumipas, pero ngayo’y mauunlad na bansa.

Hindi rin sa kalikasan nagiging mayaman o mahirap ang bansa. Napaka-kitid ng teritoryo ng Japan: 80% ay bundok na hindi masaka. Pero pangalawang ekonomiya ito sa mundo. Tila ito isang higanteng islang pabrika, namimili ng hilaw na materyales mula sa mga ibang bansa, at ginagawang mga kotse, barko, at makina, para sa mundo. Tingnan din ang Switzerland, na apat na buwan kada taon lang maari mag-agrikultura. Pero nangunguna ito sa mundo­ sa produktong mula sa gatas ng baka, kabilang na ang tsokolate. Sa katatagan ng sistema, pangunahin sa mundo ang mga bankong Swiso.

Hindi nagkakalayo sa talino ang executives sa mayaman at mahirap na bansa. Wala rin timbang ang kulay ng balat. Ang mga animo’y palaboy sa Asia o Africa ay milyonaryo sa America at Europe.

Nagkakaiba ang mga bansa sa asal ng tao, na hinubog nang panahon sa edukasyon at kultura. Anang mga eksperto, ang tao sa mauunlad na bansa ay merong: (1) paninindigan, (2) integridad, (3) pananagutan, (4) masu­nurin sa batas at kaayusan, (5) nirerespeto na mayorya ang tama, (6) masisipag, (7) mapag-impok at namumu­hunan, (8) nais maging produktibo, at (9) maagap sa oras.

Sa mahihirap na bansa menorya lang ang may prinsipyo­ sa araw-araw na buhay. Karamihan ay nilulustay ang likas na yaman ng bansa. Isinisisi sa iba ang karukhaan, imbis na ayusin ang gawi. Sinusuway ang batas at ang tama. Pinagsasamantalahan at mapanlamang sa kapwa. At pina­la­lampas ang kasamaan na ginawa sa kanila. Pamilyar ba?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with