PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Alak at ‘Holiday Heart Syndrome’

KAPAG panahon ng bakasyon, weekend o holidays, tuma­taas ang bilang ng mga taong nagkakaroon ng isang klaseng sakit sa puso na kung tawagin ay “Holiday Heart Syndrome.”

Sa “Holiday Heart Syndrome,” kadalasan ay nanggaling sa inuman ang pasyente at pagkatapos ay ma­kararamdam siya ng abnormal na pagtibok ng puso (atrial fibrillation). Minsan ay sumasakit din ang dibdib ng pas­yente at tumutuloy ito sa atake sa puso. Bukod sa alak, nakakasama rin ang pagpupuyat, sobrang trabaho, at pagkain ng matataba at maaalat.

Seryoso itong sakit at kailangang madala agad ang pasyente sa ospital. Nangyayari ito sa loob ng 24 oras mula sa pag-inom ng alak. Ang mga lalaki ang madalas tamaan ng “Holiday Heart Syndrome” dahil siguro mas malakas sila uminom ng alak at magpuyat.

May epekto ang dami ng alak na iniinom sa pagka­karoon nitong sakit. Ayon sa pagsusuri, kahit 1 drink lang (isang baso ng beer, o shot ng alcohol) ay sapat na para mag-trigger ng “Holiday heart.” Kung dati-rati ay hindi ka naman umiinom ng alak at bigla kang mapapasubo sa pag-inom ay puwede kang atakihin nitong sakit.

Heto ang mga tips para makaiwas sa sakit na dulot ng alak:

1. Konti lang ang inumin – Kung beer ang hilig ay limitahan sa 2 baso lamang. Kung hard drinks ay 1-2 shots lang. Kung red wine ay isang maliit na baso lang.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

2. Dahan-dahan ang pag-inom – Kung mas mabagal ang pag-inom, mas hindi ka malalasing.

3. Magpakabusog muna – Kapag may pagkain ang iyong tiyan, mas mabagal ang pagpasok ng alak sa iyong katawan.

4. Huwag paghalu-haluin ang alak – Huwag ihalo ang beer at whisky. Huwag isunod ang wine at cognac. Mas matindi ang tama kapag pinagsama ang mga ito.

5. Basahin ang dami ng alcohol – Ang beer ay may 5% alcohol, ang wine ay 12.5% alcohol, ang hard drinks ay 60% alcohol. Kapag mas mataas ang porsyento ng alcohol, mas matindi ang tama nito.

6. Uminom na lang ng non-alcoholic drinks.

7. Umiwas sa tukso ng alak. Kumain ng masustansya at magpahinga ng sapat para lumakas ang iyong katawan. Good luck po.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: