PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Parking dapat walang bayad

NGAYON pa lang ay nadarama na natin ang Christmas rush. Kung dati nang matrapik sa lansangan, lalu pang naglubha ang sikip ng trapiko lalu na sa mga lugar patu­ngo sa mga shopping malls. Palibhasa’y nagdaragdsaan na ang mga namimili nang maaga bilang paghahanda sa kapaskuhan.

Ang isang problema kapag sumasapit ang ganitong season ay ang paghahanap ng parking space kapag tutungo tayo sa mga malls. Madalas, napapadpad tayo sa pinakamataas na palapag ng level parking para doon tayo pumarada. Hindi bale sana kung libre, pero hindi eh.

Kaya katig tayo sa panukala ni Manila 1st district Rep. Manny Lopez sa panukalang ilibre sa pagbabayad ng parking fees ang mga patrons, customers, tenants at lessees sa mga shopping malls, markets, shop, fairs, hospitals at iba pang establisimento.

Dito lang yata sa Pinas pinagbabayad ng parking fee ang mga customers. Aba eh, ang laki na nga ng kinikita ng mga malls sa mga mamimili, sisingilin pa sila ng ba­yad tuwing magpaparada ng sasakyan? Huwag naman sanang gahaman ang ating mga negosyante. Maging si Presidente Duterte, nang maluklok bilang Pangulo ay pinuna na ang hindi na kanais-nais na ugaling ito ng ilang mga negosyante.

Sa paghahain ng House Bill 5061, hinikayat ni Lopez ang liderato ng Kamara na talakayin ang naturang panukalang batas na alinsunod sa adhikain ng pamahalaan na  pigilin ang mga oligarch sa pagkontrol sa ekonomiya ng bansa at panggigipit sa taumbayan na siyang nagbibigay sa kanila ng kabuhayan.

Dapat talaga ay ipatupad ang validation ng mga parking­ tickets, patunay na ang customer ay namili sa mall para siya ay ilibre na sa parking.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: