^

PSN Opinyon

SSB: Sobra-Sobrang Buwis

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SINUSUPORTAHAN ng Bantay Konsumer, Kalsada, Kuryente o BK3, ang panawagan ng Philippine Association of Stores at Carinderia Owners o pakso este mali PASCO pala, laban sa panukalang dagdag buwis sa mga inuming may asukal o sugar-sweetened beverages o SSBs.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  300,000 na at dumadami pa ang lagda ng madlang people sa Philippines my Philippines ang naipon na ng PASCO upang salungatin ang nasabing excise tax sa mga SSB ayon sa House Bill (HB) 5636 na bahagi ng programang reporma sa buwis ng gobyerno.

Sabi nga,  “TRAIN”.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, 40% ng pang-araw-araw na kita ng mga may-ari ng tindahan, bida ng PASCO, ang nagmumula sa mga benta ng SSB gaya ng powdered juice, instant coffee at softdrinks. Maaaring mag-doble o mag-triple pa ang mga presyo ng nasabing produkto dahil sa dagdag buwis.

Ika nga, para sa mga mahihirap na mamimili ang excise tax ay “hindi patas” at “mapang-api”. 

Kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagkakaisa ngayon ang mga konsyumer, manininda, at pati na ang mga manggagawa ng mga pabrikang may kinalaman sa pagkain at inumin sa pagtutol sa nasabing dagdag-buwis.

Approved na sa Kamara ang SSB tax na nagpapataw ng P10 hanggang P20 na buwis kada litro ng SSB, depende sa dinedede este mali pinagkukunan pala ng nilalamang asukal. 

Ayon sa HB 5636 may dagdag buwis na P10 kada litro sa mga inumin na may lokal na asukal at P20 sa mga inumin na may asukal o pampapatamis na imported. 

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  nauunawaan nang madlang people na kailangan ng gobierno ng pondo upang suportahan ang kanyang mga programa. 

Ang problema nga lang ang ipinapanukalang buwis ay lalo lamang magpapahirap sa buhay ng mga mamimiling mababa na nga ang kita. 

Ibinulong sa mga kuwago ng ORA MISMO, may iba pang mga bagay o alternatibong maaaring isaalang-alang.

Tulad nang paghikayat sa mga Public-Private-Partnerships para sa mga proyektong pang-imprastruktura.  Makatitipid ang gobierno dito at magagamit niya ang ibang pondo upang tulungan ang mahihirap, sa halip na magpataw ng karagdagang buwis.

Ikalawa, baguhin ang panukalang excise tax. May alternatibong mungkahi na si Senator JV Ejercito tungkol sa pagbubuwis sa mga SSB. 

Sabi nga, mahalagang mapag-aralan ito.

Ikatlo, sa halip na manghataw este mali magpataw pala nang karagdagang buwis, dapat pigilin ng gobyerno ang pagpupuslit at ipinagbabawal na mga kalakalan, mahinang koleksyon ng buwis, at mga kaugnay na katiwalian.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  sa studies ng Unibersidad ng Asya at ng Pasipiko (UAP), hindi bababa sa P904.6 billion ang nawala dahil sa mga iligal na negosyo at kalakalan sa loob ng limang taon. 

Labis pa sana ito upang matakpan ang halaga mula sa mungkahing buwis sa SSB.

Ang panghuling punto, mahina ang argumentong ­pa­ng­kalusugan na binabanggit ng mga tagapagtaguyod ng dagdag-buwis sa SSB. Tinuturing kasi nilang panganib sa kalusugan ang sobrang pagkonsumo ng matatamis na bagay dahil nagpapalaganap ito ng labis na katabaan o obesity sa Philippines my Philippines.

Ibinida sa 2017 State of Food Security and Nutrition in the World ng Food and Agriculture Organization, laganap ang undernutrition at hindi ang labis na katabaan sa Philippines my Philippines. Sa katunayan, nasa 13.8% ang undernutrition sa mga batang Pinoy, mas mataas kaysa sa bilang ng may sobrang timbang na mga bata na nasa 5% lamang at ang labis na katabaan sa mga may sapat na gulang na nasa 5.2% naman.

Kaisa ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO,  sa PASCO laban sa sobrang pabigat na buwis katulad ng SSBTAX. Mga konsyumer tayong lahat. Isang mabigat na pasanin para sa madlang Pinoy na may mababang kita ang usaping ito.

Sabi nga, manawagan tayo sa ating mga mambabatas na unahin nila ang kapakanan ng mga mamimili.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with