^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Noon pa terorista na

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Noon pa terorista na

NAKAPAGTATAKA kung bakit ngayon lang naisip ni Pres. Rodrigo Duterte na dapat nang i-label na terorista ang New People’s Army (NPA). Sabi niya mag-iisyu siya ng proclamation na nagdedeklarang terorista ang NPA. Ewan lang kung tototohanin niya ito dahil madalas din namang sabihin niya na open pa rin siyang makipag-usap sa mga komunista. Kahit ilang beses niyang sinabi na wala nang magaganap na pag-uusap sa mga komunista, lagi rin niyang binabawi. Ilang beses na rin silang nagpalitan nang masasakit na salita ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison. Sinabi niyang may colon cancer si Sison.

Noon pa, gawaing terorista na ang ipinakikita ng NPA. Marami na silang sinunog na bus. Dahil sa kanilang ginawa, maraming nawalan ng hanapbuhay. Napatigil sa pag-aaral ang mga anak ng drayber at konduktor. Ang ilan ay nakaranas ng gutom dahil walang makitang trabaho. Taliwas ito sa kanilang sinasabi na sila ay tagapagtanggol at boses ng mamamayan. Kung tagapagtanggol, dapat bang sunugin ang pinagkukunan ng ikabubuhay? Hindi tama ang kanilang ginagawang pagsira sa mga ari-arian. Sa halip na yakapin sila ng mamamayan, katatakutan sila sapagkat hindi na rebelde ang nakikita sa kanila kundi mga terorista. Nakahanay na sila sa mga malulupit na terorista na walang saysay ang pinaglalaban.

Nagalit si Duterte nang ambusin ng NPA ang mga pulis sa Talakad, Bukidnon noong Nobyembre 10 na ikinamatay ng isang pulis at apat na buwang sanggol. Hindi na raw siya naniniwala sa NPA na ipinaglalaban ng mga ito ang maliliit na mamamayan. Lousy statement na umano ito ng NPA. Ipag-uutos na raw niya sa military na arestuhin ang mga komunista. Hindi na raw makikipag-usap ang gobyerno sa mga ito. Ipalulusob na umano niya ang mga ito.

Hindi na dapat makipag-usap at sa halip magsagawa ng puspusang opensiba ang military sa NPA. Hindi na sana magbago ang pasya ni Duterte. Nakakasawa na ang sinasabing mag-uusap muli ang gobyerno sa mga komunista para sa kapaya­paan. Kalokohan ito. Hindi na dapat mag-usap pa. Sayang lang ang pakikipag-usap sa mga terorista. Marami nang panahon ang ginugol dito at wala ring nangyari. Huwag nang maglokohan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with