PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Natutupad ba ang agenda ng Panginoon sa bansa?

Kung gaano tayo ka-passionate sa evangelism, I believe na nais din ng Panginoon na makita sa atin ang passion to fight for the nation and for God’s agenda for the Philippines”. Ang pahayag na ito ay bahagi ng mensahe ni Bro. Eddie Villanueva kaugnay ng  ipinagdiwang na ika-39 na anibersaryo ng Jesus is Lord Church (JIL) na kanyang pinamumunuan noong nagdaang buwan.

Aniya, kung marubdob ang pangangaral ng mga Christian leaders sa Salita ng Diyos, ganyan din dapat kaalab ang pakikibaka sa mga masasamang nangyayari sa bansa upang tiyakin na natutupad ang magandang plano ng bansa sa sambayanan.

Sa umiiral pa ring mga katiwalian sa loob at labas ng pamahalaan, nasaan na ang epekto ng pangangaral­ sa Salita ng Diyos? Walang puknat ang ginagawang pag­sibak­ ng Pangulong Duterte sa mga pulis at mga opis­yal ng pamahalaan na sangkot sa katiwalian gaya ng pag­laganap ng droga. Ngunit parang hindi nauubos ang mga kaso ng katiwalian gayundin ang malaganap na krimen­ na nangyayari sa ating paligid.

Dahil sa laganap na pagpatay sa mga masasamang elemento, napupulaan ng ibang bansa ang Pilipinas dahil sa tinatawag na extrajudicial killings, bagay na iki­napipika na ng Pangulo imbes na tanggapin ito bilang constructive criticisms. 

Ang gobyerno ay hindi perpekto. Maaaring sa ilalim ng magandang layuning ipinakikita ay may kasamaan na da­pat punahin. Kaya napapanahon ang sinabi ni Bro. Eddie na kung gaano karubdob ang pangangaral ng ebanghelyo, dapat ganoon din kaalab ang pakikibaka­ sa mga bagay na hadlang sa pagsasakatuparan ng agenda ng Panginoon para sa ating bansa.

Rebuking evil deeds is part of the many duties of Christians. Kung may napupunang kamalian o kabuktutan lalu na sa mga umuugit ng pamahalaan, hindi tayo dapat magsawalang kibo kundi punahin ng may katapangan ang mga ito.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: