^

PSN Opinyon

Lifestyle checks pag-ibayuhin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MAHILIG mag-display ang kawatang Pilipino ng kinamal na ilegal na yaman. Nagpapatayo ng mansiyon ang ganid na politiko. Naninilaw ang kutis ng burokrata sa kinang ng mga gintong alahas mula sa kickbacks. Mali­mit magbiyahe nang marangya ang huwes na nagbebenta ng kaso.

Pinaka-mabisang pambisto sa kanila ang lifestyle checks.

Napaka-simple nito. Susuriin kung ano-anong ari-arian meron ang kawatan: mansiyon, condo, at resorts; sports cars at SUVs; helicopter at yate; alahas, relos, signature bags, at baril. Pag-aaralan din ang mga hilig niya: first-class na airline tickets at five-star hotels sa abroad; malimit na pag-blowout sa barkada at pasyal sa high-class call girls; mamahaling pagkain (caviar, abalone, lobsters).

Ikukumpara lahat ito sa lehitimong suweldo niya sa gobyerno at tubo sa negosyo, kung meron man, kasama ng sa asawa. Titiyakin din kung ang mga ari-arian ay naka­­lista sa kanyang taunang Statements of Assets, Lia­bilities, and Net Worth. At aalamin kung magkano ang dineklara niyang kita at binayarang income taxes. Sinumpaan niyang wasto ang nakatala sa mga papeles na ‘yan, at pinahihintulutan niya ang pagbigay ng kopya sa Ombudsman. Kaya hindi niya ito maitatago.

Kapag lumabas na mas malaking hamak ang kayamanan at gastusin niya kumpara sa kita at nakatala sa papeles, sabit na siya. Ayon sa batas, ebidensiya agad ‘yan sa korte ng katiwalian, kaya maari siyang makulong nang habambuhay at pagbawalang mapuwesto pa muli sa gobyerno. Maari rin kumpiskahin ng estado ang labis na yaman na hindi maipaliwanag ang malinis na pinanggalingan. Miski nasa ibang bansa ang lupain, luxury car, o deposito, ipapabalik ang halaga sa Pilipinas.

Utos ng Konstitusyon sa mga opisyal na mamuhay nang simple. Pero aanhin ng kawatan ang nakaw na yaman kung hindi e-enjoy-in?

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with