^

PSN Opinyon

‘Isang pampublikong guro sa Tondo, walang modo!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KUNG sino pa `yung mga tinaguriang “pangalawang magulang” sa institusyon ng akademya, na may sinumpa­ang tungkuling pangalagaan, turuan at hasain ang mental, emosyonal at kaugalian ng isang bata, siya pa itong nangunguna sa kabalahuraan.

Ito ang inilapit sa BITAG Action Center kamakailan ng isang ina ng Grade 8 student ng FG Calderon Integrated School. Ang kanyang anak na babae, ipinahiya sa harap ng mga kaklase nito.

Hindi pangkaraniwang pangungutya ang ginawa ng MAPEH Teacher na si Ginang Baltazar. Ayon sa ina, natumba ang kanyang anak dala ng pagkahilo na ikinagalit ng guro. Imbes na tulungan, sinigawan daw ang kanyang anak at sinabihang “sana ma-rape ka, ikatutuwa ko kung mare-rape ka nga.”

Kabastos ng bunganga, paano naging maestra ang kolokay na `to?

Makailang beses na rin daw bumalik ang ginang sa FG Calderon para makausap ang mismong teacher at principal subalit pinababalik-balik siya. Wala raw ang punongguro ng eskwelahan. Sa Kilos Pronto dumiretso ang ginang dahil mukhang ikinukubli na ang bastos na guro. Kaya naman kapalmuks ng Mrs. Baltazar na ito na magsabing handa siyang humarap kahit saan maka­rating ang reklamo.

Ay ganoon ho ba Ma`am,  eh bakit binabaan mo kami ng telepono sa ere? Mga bata lang ho ang kaya mo? Nakakahiya kang tawaging guro. Baka nakalimutan mong kaakibat ng lisensiya sa pagtuturo ang tungkulin bilang pangalawang magulang ng bawat estudyante.

Inaabuso mo ang special parental authority na pinagkaloob sa`yo ng batas at gobyerno o hindi mo talaga alam `to? Tsk-tsk-tsk, delikado ang mga tulad mo sa harap ng mga bata.

Mabuti at hindi ikaw ang naging teacher ng anak ko, malamang kahit babae ka, ipalulunok ko sa`yo ang lengguwaheng sinasalita mo. Baka kailangan din nitong ibalik mula Grade 1 para muling maturuan ng Good Manners and Right Conduct.

Ayon kay Department of Education  (DepEd) Assistant Regional Director Wilfredo Cabral, kaparte ng due process na kapag napatunayan ang reklamo ng bata, mare-reprimand na maaaring humantong sa suspension ang kakaharapin ni Mrs. Baltazar.

Kuuuuu, kung ako `yan, no holds barred, tanggalan ng lisensiya sa pagkaguro `yan. Nakakatakot na ang katulad niya ang pagkatiwalaan naming mga magulang na katuwang sa magandang hinaharap ng aming mga anak.

Nakatutok ang grupo ng Kilos Pronto sa reklamong ito. Maraming magulang at estudyanteng nakaabang kung ano ang ikikilos ng DepEd sa mga ganitong uri ng reklamo. Sisiguraduhin naming magkakaroon ng hustisya ang sumbong ng mag-ina.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with