^

PSN Opinyon

Lindol

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Ang lindol ay mahirap na ating malaman

kung saan tatama at kung kailan

ito ay hiwagang dulot ng kalikasan

na tanging diyos ang nakakaalam

 

Tanging magagawa ng tao sa mundo

paghandaan natin ang pagtama nito

mayama’t mahirap ay kumilos tayo

upang di mabigla sa alin mang dako

 

Inang kalikasan ay di namimili

kung saan lilindol anumang sandali

may fault o wala saan man magawi

tiyak na yayanig matagal madali

 

Malakas na yanig --malaking pinsala

ibubunga nito sa dagat at lupa

palasyong tahanan o bahay na dampa

walang sabi-sabi ito’y mabibigla

 

At sa dagat naman higanteng tsunami

lilikhain nito sa maraming parte

ang tubig ng dagat na ubod ng laki

mga tao’t hayop hindi malilibre

 

Kaya ang mabuti tayo ay magdasal

sa Diyos na dakilang sa ati’y lumalang

huwag nang lumindol kahit na saanman

at tayo’y maligtas sa kapahamakan

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with