^

PSN Opinyon

Eto na

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

HIGIT kalahating milyong pisong halaga ng droga ang nasamsam ng PDEA sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Iloilo noong Miyerkules. Isang hinihinalang drug den ang sinalakay ng PDEA kung saan nahuli ang mga nagbabantay, at nasamsam ang ilang pakete ng shabu. Isa pang lugar ang sinalakay ng PDEA, kung saan may “high value target”. Ganundin, may ilang pakete ng shabu ang nasamsam. Ang hindi naganap sa dalawang operasyon? Maraming nahuli, pero walang nanlaban, walang barilan, walang patayan.

Nababahala naman daw ang VACC sa sunud-sunod na mga ginagahasa at pinapatay ngayon. Tatlong kaso ng panggagahasa at pagpatay, tinangkang sunugin pa nga ang katawan ng isa, ang naganap kailan lang. Ayon sa VACC, sa kabila ng madugong kampanya ng gobyerno sa iligal na droga, nagaganap pa rin ang mga ganitong krimen. Tila sa mga adik sa droga agad inaakusa ang mga ganitong krimen. Dagdag pa ng VACC, bigo ang gobyerno sa kampanya sa war on drugs.

Natural na umalma si PNP chief Director General Ro-nald dela Rosa. Ayon sa kanya, noong PNP ang humawak ng mga anti-drug na operasyon, bumaba ang bilang ng mga ganitong klaseng krimen. Pero dahil hindi na raw sila ang humahawak, bumabalik na raw ang mga kriminal at adik sa lansangan. Kaya eto na, may iniipon nang dahilan ang PNP, na tiyak may basbas ng Palasyo, para ibalik muli sa PNP ang anti-drug operations. Tila walang imik ang Palasyo sa mga matagumpay na operasyon ng PDEA, kung saan milyon na rin ang nasasamsam na droga. Lumalabas ba na ang pagpatay sa mga suspek sa iligal na droga ay epektibo sa pagpigil sa mga ganitong klaseng krimen, at sukat ng tagumpay? Kung ganito ang pangangatwiran, puwede na rin bang patayin ang mga maaaring gumawa, o hinihinalang masasangkot sa krimen? Hindi lang naman ang mga adik ang gumagawa o sangkot sa krimen, hindi ba? May mga manggagawa, doktor, pulitiko, negosyante, pati mga pari pa nga na nasangkot sa krimen. Pati mga pulis at sundalo. Saklaw na rin ba ang lahat sa ganyang pangangatwiran?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with