PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

EDITORYAL - Hamon sa LTFRB: Bantayan mga dupang na taxi drivers

HABANG papalapit ang Pasko, dumarami ang mga dupang at abusadong taxi driver. Bagama’t meron pa rin namang mabubuting taxi driver, natatakpan ito ng mga ginagawang kasamaan ng nakararaming driver. Grabe na ang kadupangan ng taxi drivers ngayon.

Hindi lamang sa Divisoria nagsisiksikan ang mga tao para bumili ng pangregalo sa kanilang inaanak, marami ring namimili sa mga mall. Karamihan sa malls ay ini-extend pa ang kanilang shopping hours sa gabi.

At ang mga shopper na ito ang inaabangan ng mga taxi driver. Alam nilang walang ibang masasakyan ang shoppers lalo na sa gabi kaya sinasamantala nila. Kokontratahin nila ang mga ito sa halip na gamitin ang metro. Katwiran ng mga dupang na taxi driver, malayo ang pupuntahan ng pasahero kaya dapat kontrata na lamang. O kaya, sasabihin na malulugi raw sila sa gasolina o diesel. O kaya ikakatwiran na sobrang trapik sa lugar o kaya naman ay sasabihing wala na siyang maisasakay na pasahero pabalik.

Kamakailan, nagbalatkayo si Atty. Aileen Lizada, board member at spokesperson ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB), para madakma ang mga abusadong taxi driver sa NAIA na nango-ngontrata sa pasahero. Walang kamalay-malay ang taxi driver na LTFRB official ang pasahero niya. Nagpanggap si Lizada na pasahero para mahuli niya ang mga abusadong driver. Tiklo ang taxi driver.

Noong nakaraang linggo, muling nagpanggap si Lizada na pasahero ng motorsiklo na kabilang sa Angkas app. Bagong app ito na maaaring mag-book ang pasahero. Huli ang motorcycle driver dahil illegal ang Angkas. Hindi ito pinapayagan. Ayon kay Lizada, kapag may nangyaring aksidente, kawawa ang pasahero dahil illegal ang Angkas.

Ngayong naumpisahan na ni Lizada ang pag-hagupit sa mga abusadong taxi driver sa NAIA, bakit hindi niya ito gawin sa mga abusadong taxi driver na nakapila sa mga mall at tumatanggi sa mga pasahero. Masyado na silang abuso na kahit matanda, buntis at PWD ay ayaw isakay ng mga abusadong taxi driver.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Magkunwaring pasahero si Lizada para madak­ma on the spot ang mga abusado. Sampahan ang mga ito ng kaso o kaya’y bawian ng prankisa at lisensiya. Lupigin ang mga mapang-abuso!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: