^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa pagbili ng laruan

DOC WILLIE - Pilipino Star Ngayon

NAGBABALA ang DOH at FDA tungkol sa pagbili ng laruan para sa bata. Mayroong  mga batang naaksidente na dahil sa depektibong laruan. Para makapag-ingat tayo, sundin ang mga sumusunod na payo.

Una, basahin ang mga babala na nakasulat sa balot ng laruan. Nakasaad din dito kung para sa anong edad bagay ang laruan.

Para sa batang edad 4 pababa:

Kailangan ay mas malaki ang laruan sa sukat na 2 pulgada (mga 1.75 inches) ang haba at taas. Kung mas maliit dito ang laruan, puwede itong mag-bara sa lalamunan ng bata.

Umiwas sa pagbigay ng holen o barya sa bata. Kapag isinubo ito ng bata, puwede ring magbara sa daanan ng hangin. Isa itong emergency.

Dapat ay matibay ang laruan at hindi madaling maghiwalay-hiwalay.

Dapat din ay maayos ang pagkakabit ng mga parte ng laruan tulad ng mata, gulong o butones. Kapag natanggal ito sa laruan, puwede itong isubo ng bata.

Tingnan na walang matutulis na parte ang laruan na puwedeng makatusok sa bata. Suriin kung may pin, alambre o turnilyo na nakausli sa laruan.

Sa mga laruang may baterya, siguraduhing hindi madaling matanggal ang baterya. May likido ang posibleng lumabas sa baterya na nakalalason sa bata.

Para sa batang edad 5 pataas:

• Kung gustong sumakay ng bisikleta, scooter o skateboard ang bata, siguraduhing may helmet siyang suot. Kailangan din na may nagbabantay sa bata habang siyang naglalaro.

• Mag-ingat sa mga darts at pana (arrows). Dapat ay de-goma lang ang mga dulo nito at hindi matigas na bagay.

• Ang mga laruang baril ay dapat makulay at mukhang laruan lamang. Ito’y dahil baka mapagkamalan ng ibang tao na tunay itong baril. Sabihan din ang bata na huwag itutok ang pana o baril sa ibang tao.

At siyempre, may mga bagay na hindi dapat pinaglalaruan ng bata, tulad ng paputok, posporo at matulis na gunting. Kahit ang mga matatanda ay hindi rin dapat naglalaro ng paputok. Mag-ingat po.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with