^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Basura ng Canada

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Basura ng Canada

Napag-usapan nina Pres. Rodrigo Duterte at Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang tungkol sa basurang dinala sa bansa, limang taon na ang nakararaan. Nag-usap ang dalawa noong Lunes at nagpahayag ang Canadian leader na aaksiyunan na ang problema sa basurang umaabot sa mahigit 100 containers. Nagbigay ng positibong reaksiyon si Trudeau ukol sa basura at maaaring tutuparin na ang pangako. Hindi katulad nang tanungin ito noong 2015 APEC Summit na nangako pero napako.

Dumating sa bansa ang Canadian trash noong 2013 at 2014. Pawang household at hospital wastes ang laman ng containers. Dalawampu sa contai-ners ng basura ay itinapon sa Tarlac noong Mayo 2015 samantalang ang karamihan ay nananatili at nabubulok na sa Port of Manila at Subic.

Nang tanungin si Trudeau noon ng mga reporter kung ibabalik na sa kanilang bansa ang sariling basura, wala itong malinaw na sinabi. Meron na raw solusyon na dinidebelop sa problema pero hindi naman sinabi kung ano iyon. Para bang balewala sa kanya ang basura na nagbibigay ng pangamba sa maaaring idulot sa kalusugan. Ang hinihintay na sabihin ni Trudeau noon ay ipag-uutos niya ang agarang pagbabalik ng basura sa kanilang bansa. Pero hindi ganun ang nangyari. Kaya walang nakuhang pag-asa sa kanya ang mamamayang Pilipino noon. Ngayon, makaraang mag-usap sila ni Duterte, nagkaroon ng pag-asa na maaaring maibalik ang mga delikadong basura.

Nararapat namang ibalik sa Canada ang mga basura sapagkat nakasaad sa Basel Convention na anumang hazardous wastes na dumating sa bansa ay dapat ibalik sa pinanggalingang bansa. May karapatang tanggihan ng Pilipinas ang basura. Alam ng Canada ang batas dahil isa sila sa mga pumirma sa international treaty noong 1992.

May malaking kasalanan ang dating DENR sec­re­tary sa panahon ni Pres. Noynoy Aquino dahil hindi gumawa ng aksiyon para sampahan ng kaso ang Chronic Plastics sa Canada na nagpadala ng sandamukal na basura. Hindi na ma-locate ang consignee ng mga basura na isinisisi rin sa kapaba-yaan noon ng dating DENR secretary. Lumabag ang kompanya sa Republic Act No. 6969 o ang “Toxic Substances and Hazardous Wastes Control Act of 1990.” Dapat maparusahan ang kompanya.

Samantala, dapat tuparin ni Trudeau ang kanyang pangako na aaksiyunan ang kanilang nakamamatay na basura.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with